Zieke's POV "Master, aalis ka ba talaga ng nakaganyan?" tanong ni Lorcan at alam ko kung ano ang tinutukoy niya, ang wheelchair. "Shh! Quiet," sabi ko at kumunot ang aking noo. "Hindi niya pwedeng malaman." Nauna na ng umalis si Nexus at Yael para bumalik sa deck. Kailangan na nilang tapusin ang mga natitira pa sa listahan at alam kong kayang-kaya na nila yun. Lorcan and I, on the other hand, will accompany Rhian to meet her stvpid ex-boyfriend —Lester Gocheco. "Okay na, ready na ako." I heard Rhian's voice. Fvck, why is she so gorgeous? Tsk! Hmn, but I can't tell her that. Kung hindi lang siya nawalan ng ala-ala, tiyak na lalaki ang ulo niya kapag nalaman niyang ganito ang tingin ko sa kanya. Nag-iwas ako ng tingin at pinaandar ko ang aking wheelchair, "Let's go, Lorcan." Akma nama

