Rhian’s POV: “Anong sabi mo!?” nagngangalit na tanong ni Lester at sinunggban niya ng suntok si Zieke ngunit… kaswal lang itong nailagan nito. Nanlaki naman ang mga mata ko sa ginawang ‘yon ni Zieke. Takang-taka ako kung paano niyang nagawa ‘yon? Bahagya niya lang na itiningala at inurong ang kaniyang ulo kaya hindi umabot sa kaniyang mukha ang kamao ni Lester. “Lester!!!” awat ko at napatingin ako sa paligid dahil nagbubulungan na ang mga tao. Tila nagtawag na din sila ng guard na aawat sa kaguluhang nangyayari. Sh*t! “Sino ka ba!? Sino ka ba talaga!?” ani Lester na tila mas napikon sa ginawa ni Zieke. “Lester, tama na! Sinabi ko na sayo, diba? Nagtatrabaho ako sa kaniya! Boss ko siya!” pagtulak ko kay Lester palayo kay Zieke. “Magkano ba ang pinapasahod niya sayo, ha? Sabihin mo, d

