"J-Jo... J-OKER!!!" bulalas ng mga lalaking napatanga sa kanya. "Ngayong alam niyo na... dapat handa na kayong mamatay," ani ng binatang nakahelmet at sa isang iglap, muling lumipad ang kaniyang mga baraha. Tumarak ang mga ito sa kani-kanilang mga noo na siyang kumitil din agad sa kanilang mga buhay. Ilan pa ang natira at pinaputukan siya ng ba.ril. Sa kaliksihan ng binatang nagtatago sa suot niyang helmet, nakangisi pa sya na animo'y sirkerong lumulundag at tumatambling sa ere; ni isang bala ay ni hindi man lang humagip sa kaniya. "You know what, my cards can predict the future," ani ng binata na ikininapaningkit ng mga mata nila sa pagkairita. "And what they are saying is... not a single one of you will be left alive." "TUMAHIMIK KA!!!" Babarilin pa sana siya ng isa sa mga lalaki ngu

