100 C-3

1009 Words
Tapos na ang exam namin, sabi ni mam ngayon daw niya i-a-announce kung sino ang nag-top. Syempre may idea na ako kung sino yun. :)     Nasa harapan si Mam, ang mga klasmyt ko ay naghahantay ng announcement niya mas kabado sila sa nakakuha ng low grade kesa sa nag top.     "Our top of the class is charlotte salvador" sabi niya sabay palakplakan ng mg klasmyt ko.     "Congrats char!" nakangiting sabi ni bianca.     Isa isang sinabi ni mam ang score ng mga klasmyt ko. Ngayon i-a-announce naman niya ang pinaka nakakuha ng low grades.     "The student that got a low grades is Sky Claude" sabi ni mam sabay lingon ng klasmyt ko sa pwesto ni Sky.     Nakangiti lang si Sky. Tumayo pa siya para mag bow. "Thank you mam" sabi niya at umupo na.Proud pa siya.    Nakita kong parang nagsalubong ang kilay ni mam. "Charlotte i give you a task, tulungan mo si sky mag-aral" sabi ni mam at lumabas na ng classroom.     Paismid ko siyang tinignan. Ngumiti siya ng nakakaloko.     Mukang magkakasakit ako ngayong araw. Isip ko. Sabay ikot ng ulo ko.     Oo nga pala kasama ito sa memory ko. Kaya pala na bully niya ako dahil sa pagtuturo ko sa kanya. Palihim akong ngumiti.     "Now is my chance to revenge" sabi ko.   _________     Sabado ng umaga ang schedule ko para turuan si Sky  the Hell.. Oo hell impyerno kasi ang ugali niya. Sa mga araw na tinuturuan ko siya ay puro kalokohan ang ginagawa niya. Minsan yung libro ko nilalagyan niya ng bubble gum. Minsan imbis na mag aral kame ay panay tablet ang hawak niya. Hindi ko magawang sigawan siya dahil nasa bahay nila ako.     Alam ni papa at mama na nagtuturo ako sa kanya tuwing sabado. Unti unti na ring natatanggap ng mga magulang ko ang ugali ko ngayon.     "Hoy! sagutan mo ito!" mataray na sabi ko. binagsak ko sa harap niya ang libro.     "Eto ang dali lang nito!" sabi niya sabay ngisi.     "Madali pala edi sagutan mo!!".     Kinuha niya ang libro at sinagutan ang mga tanung. Ilang minuto lang ay tapos na niya.Tinignan ko ang libro. Nagsalubong na ang kilay ko. Puro drawing ang nilagay niya at may nakasulat na BRUHA KA CHARLOTTE! :D     Sa inis ko hinatak ko ang buhok niya. Napa-aray siya kaya binitawan ko.     "Umayos ka kung hindi isusumbong ko kay Mam yang ginagawa mo."     Inayos niya ang buhok at lumuhod sa harap ko. "Charlotte I'm sorry" sinserong sabi niya. Parang totoo, maniniwala na sana ako pero bigla siyang tumawa. "Joke lang bruha" natatawang sabi niya.. Hahampasin ko sana siya pero napigilan ko pa sarili ko.     Pinabasa ko siya ng mga tula kaya ilang minuto din kaming natahimik. Mayamaya ay kinalabit niya ako sa balikat.     "Char, masakit yung likod ko pwede mo bang hilutin" sabi niya, Parang seryoso siya pero ayaw kong maniwala.     "Pahilot mo sa yaya mo" sabi ko.     "Aray ang sakit ng likod ko huhuhu" sabi niya sabay higa sa kama niya. Nasa kwarto niya kame nag-aaral.     Napailing na lang ako. Kita ko na parang iiyak na siya.Dahil mabait ako lumapit ako sa kanya at hinilot ang likod niya.     "Ohh my gadd charlotte.   Uh!.....   ahhh!!......   My ghadd Char!!.......   Sunod sunod na sabi niya, mukang pinagttripan na naman ako. Kaya ang ginawa ko kiniliti ko siya, tawa siya ng tawa.     "Hahahaha, charlotte tama na!!, tama na hahahah nakikiliti ako!!........."     "Eto gusto mo di ba?!" sabi ko at lalo siyang kiniliti. humarap na siya napayuko ako dahil sa pagkilos niya.     nagtama ang aming mga mukha. isang dipa na lang ang pagitan ng mukha namin sa isat-isa. Nakita ko na natigilan din siya.     Iniwas ko ang tingin sa kanya at bumalik sa mesa kung saan kame nag-aaral.     "Bumangon ka dyan mag-aral kana" sabi ko sabay harang ng libro sa mukha ko. Naramdaman ko kasing namumula ang pisngi ko.     "Charlotte...." malambing na sabi niya. "Char...lotte..." sabi niya ulit.     Hindi ko siya pinansin."Sweetie pie Come here..." sabi niya ulit     Naasar na ako. Binagsak ko ang libro. "Uuwi na ako mukang wala ka talagang balak mag-aral".     kinuha ko ang lahat ng gamit ko at sinuksuk lahat sa bag ko. Hindi ko na siya nilingon. Padabog kong sinara ang pinto niya, mabuti na lang wala ang parents niya.     Hindi ako madalaw ng antok kinagabihan panay kasi sagi sa isip ko ang nangyare samin ni sky kanina. Dun ko lang napansin ang mukha niyang parang anghel.     "Pero ang ugali sagad pa sa demonyo!!" sabi ko sabay tapon ng unan.     Saktong bumukas ang pinto kaya tumama sa mukha ni papa.     "Charlotte!!!"   __________________   At dahil nabwisit ako sa ginawa ni Sky ay hindi ko siya pinansin buong linggo. Sinusubukan niya akong kausapin pero di ko siya pinapansin.     Sabado na ulit, Nandito na naman ako sa bahay nila.     "Hija pasok kana ready na ang study table niyo" sabi ng yaya niya. Binuksan nito ang pinto at pumasok ako. Nakita ko na nakaupo si Sky sa upuan nagbabasa siya ng libro.     Nagtataka ako dahil sumusunod siya sa akin. Pagkatapos kong icheck ang mga sagot niya ay pinagbasa ko naman siya ng mga tula. Ito ang pinaka ayaw na ayaw niyang gawin pero parang nagiba yata ang ihip ng hangin.     Narinig kong huminga siya ng malalim. Nakaharang ang libro sa mukha niya kaya di ko makita ang itsura niya.     "Charlotte, sorry" biglang sabi niya.     Napakunot ako ng noo. Totoo ba itong naririnig ko.Ayaw kong magpa apekto sa mga kalokohan niya kaya di ako nagsalita.     Tinanggal niya ang librong nakaharang. "Sorry" sabi niya at ngumiti ng pagkatamis tamis.Natigilan ako sa ngiti niya. parang dumagundong ang puso ko ng oras na iyon. Binalik ko ulit ang tingin ko sa librong binabasa ko.     "Mag-aral ka ng mabuti wag kang mag sorry saken" sabi ko ng hindi siya tinitignan. Napansin ko na binasa niya ulit ang libro.     Natapos ang pag-aaral namin na walang asaran at walag sigawan. Sana tuloy tuloy na katinuan ni sky the hell.     Nung sumunod na exam namin ay natuwa ako sa resulta dahil si Sky ay nakakuha na nang mataas na score. Kahit papano ay nagbunga ang pagtuturo ko sa kanya.     ___________
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD