100 C-4

1497 Words
JS PROM   Eto ang hindi ko naranasan dati, at dahil nandito na ko ulit ay pipilitin ko si mama at papa na payagan ako. Kung hindi man nila ako payagan ay tatakas talaga ako.     "Pa ma, payagan niyo na ako"... naiiyak na sabi ko... idadaan ko sa drama para pumayag sila.     "Anak, gabing gabi na, paano kung pag uwi mo, may mang r**e sayo o kaya saksakin ka o kaya dukutin ka... hindi namin kaya ni papa mo na mawala ka nag-iisang anak ka namin".. sabi ni mama.     Kabisado ko na ang linya ni mama, Eto rin ang sinabi niya sa akin dati nung nagpaalam ako na aatend ng JS prom dahil mabait ako dati sinunod ko sila. Pero ngayon moment ko na kaya wala akong balak na sundin sila.     "Ok" sabi ko na lang sabay akyat ng kwarto.     Kinuha ko agad yung box ng gown na nakatago sa ilalim ng bed ko. Mabuti na lang malaki ang savings ko. Nakabili ako ng gown na babagay sa kulay at height ko. Hindi kasi ako masyadong katangkaran.     Tapos kinuha ko din ang isang supot na laman ay lubid.     7pm ang umpisa ng JS Prom. Nasilip ko kanina si Bianca na nakabihis at nakaayos na. Sinundo siya ni Joey yung klasmyt namin na magiging ka date niya sa JS Prom. Wala akong ka date, mas ok na yun para masulit ko ang gabi.     Bago ako umalis dapat planado lahat. Pagpatay ni mama ng ilaw sa sala ay pumasok na siya sa kwarto kasama si papa. Maaga sila natutulog. 8pm pa lang tulog na sila.     Ako ang nag-ayos sa sarili ko syempre expert na ako pagdating sa make-up. Sa tagal ko ba namang nagtrabaho nakabisado ko na ang shade at kulay ng make up na babagay sa mukha ko.Pagkatapos kong mag make-up ay sinuot ko naman ang gown ko na kapartner ay de takong na sandals. Siguro mga 5 inches ang taas.       Binuksan ko ang bintana at nilaglag ang lubid. Dahan dahan akong bumaba. Nakita ko si Brownie na parang tatahol. Yung malaking aso namin na malapit sa gate.kaya sumenyas ako sa kanya na wag maingay. Mabuti na lang matalino si Brownie na gets na agad ang gusto kong sabihin.     May susi ako ng gate. May duplicate key ako kaya naa-ayon lahat ng plano ko.Paglabas ng gate ay nakahinga na ako ng maluwag. Tinignan ko ang relo ko 9pm na. Hanggang 11pm lang ang JS Prom namin.     Pumara agad ako ng taxi. Mabuti nalang mabait si manong driver kung hindi naka ready na ang ballpen sa sling bag ko isasaksak ko agad sa kanya.     Pagdating pa lang sa entrance ay napalingon na lahat ng estudyante sa akin. Takaw pansin kasi ang ganda ng gown at natural look na make up ko.     Umupo ako sa upuang naka reserved sa akin.     Mayamaya ay pinuntahan ako ni bianca. "Charlotte buti nakarating ka" sabi niya.     Tumango ako. "Medyo trapik kasi" pagdadahilan ko hindi kasi niya alam na hindi ako pinayagan nila mama at papa.     "Hi charlotte its good to see you tonight"     Napalingon ako sa nagsalita nasa likuran siya ni Charlotte.Si sky, infairness ang gwapo niya yung mga babaeng katabi ko ay nagsalubong ang kilay dahil sa pag-kausap sa akin ni Sky.     "Yes it good to see you too." sagot ko     Nilahad niya ang kamay sa akin. "Can I dance with you?" Tanong niya na medyo maginoo.     Tutal mukang mabait siya ngayong gabi ay pumayag akong isayaw niya.Habang sinasayaw niya ako ay panay ang aray niya, natatapakan ko kasi ang sapatos nya, wala kasi akong talent pagdating sa sayaw.     Napansin ko din na nagtataasan ang kilay ng mga klasmyt naming mga babae sa akin. Inggit lang sila dahil yung crush nila ay sinayaw ako. Blehhh!!!     Pagkatapos naming sumayaw ay niyaya niya ako papunta sa garden, konti lang ang tao na nandoon.     May hawak siyang dalawang inumin at iniabot sa akin ang isa.     "Thank you pala sa pagtuturo mo sa akin ng mga lessons" nakangiting sabi niya.     "Wag kang mag thank you sa akin, you should be happy for your self" sabi ko sabay ngiti.     Ilang minuto din kaming nag-usap mukang kampante na kame sa isat isa kahit minsan ay may moment pa rin na nang-aasar siya.     "Charlotte ano bang hinahanap mo sa isang lalake?" biglang tanung niya.     Naalala ko ang laging sinasabi sa akin ni mama at lola ko nung nirereto nila ako sa mga lalake."Yung magaling magluto, yung responsable at mapagmahal at higit sa lahat magaling sa kama" sagot ko.     Muntik na niyang ibuga sa akin ang juice na iniinum niya.     Napaubo pa siya nabulunan siguro. "Ahhh ganun ba" yun lang nasabi niya sabay punas na damit niyang nabasa.     Natawa ako sa reaskyon niya. "Malalaman mo yan pag nagka-asawa kana" sabi ko sabay tapik sa balikat niya.     Pagkatapos ng Js prom ay diretso agad ako ng uwi. Ganun pa din hawak ko pa din ang ballpen habang nasa taxi. Pagpasok sa gate ay kumakaway ang buntot ni brownie sumenyas ulit ako na wag siyang maingay. Paghawak ko ng lubid ay saktong bumukas ang ilaw sa sala. Sa taranta ko ay nabitawan ko ang lubid.     Mukang mahuhuli ako nila mama at papa. Kinuha ko ang walis na nasa gilid ng gate.Nakita ko si mama na naka pameywang na sa pinto.     Nakatingin siya sa akin, salubong na din ang dalawang kilay niya. Kinakabahan na ako."charlotte anung ginagawa mo?" tanong ni mama     "ah-eh nagwawalis ako ma, hehehe" pagdadahilan ko. May masabi lang.     "Nagwawalis sa dis-oras ng gabi??!! At naka gown pa??!!...     Lumapit sa akin si mama sabay hatak ng tenga ko.     "Aray! Mama masakit po!"     ------------------   BEAUTY CONTEST     May beauty contest sa school, kasali si lilac dahil siya ang muse namin.     Pati pala ako kasali. Si bianca ang naglagay ng pangalan ko hindi ko alam na ginawa niya iyon. Nalaman ko na lang ng kausapin ako ng isang coordinator ng pageant. Sa pagkakaalala ko sa memory ko ay sinali talaga ako ni bianca yun nga lang nag back out ako nung mismong araw ng pageant. Sobrang mahiyain kasi ako dati at wala sa isip ko ang sumali ng pageant.     Sinabi ko kila mama ang tungkol sa pageant. Nagulat ako dahil sinuportahan nila ako. Sa mismong gabi ng coronation night ay kasama ko sila. Sa talent portion pa lang ay binigay ko na ang pinaka the best kong performance. Kumanta at sumayaw ako, kahit hindi kagandahan ang boses ko at di ako magaling sumayaw ay na keri ko.      Pagkatapos ko mag perform ay walang imik ang lahat ng tao tulala lang sila. Narindi siguro sa boses kong makabasag pinggan :)   Sa awarding ay nakuha ko ang Photogenic award. Maganda ako sa harap ng camera pero sa personal di ko alam. :).         Sunod naman ang tatawagin ay ang top 3 kung saan ang last part ng contest. Ang question and answer portion.   "And the last spot goes to"..sabi ng host.     Kabado ang mga audience. Pero ako wala na sa isip ko na makapasok sa top 3 dahil nandoon na si Lilac.     "Goes to ms. Charlotte salvador!!!" sabi ulit ng host.     So yung reaksyon ko nagulat talaga, pakiramdam ko ako na talaga ang nanalo. Nakita ko si mama na parang naluluha, si papa naman ay talon ng talon dahil sa excitement.Question and answer portion na.     Huli ulit akong tinawag. Pinapili ako ng host ng card para sa tanong na sasagutin ko.Lahat kabado at tahimik.     "Ms. Charlotte what is the essence of being beautiful?"     Huminga ako ng malalim.    "Being beautiful is not what you see on persons appearance its about being kind, gentle, respectful and show love to anybody everybody or somebody and most important is being unapologetically herself, comfortable in her perfect imperfection. And i.......thank you......!".     Dumagundong ang buong venue dahil sa lakas ng palakpakan at hiyawan. Hindi ko akalain na magugustuhan nila ang sagot ko.     Eto na ang hinihintay ng lahat. Magkahawak kami ni lilac ng kamay.     "And the title for miss campus goes to.......   Goes to....   Goes to Ms. Charlotte salvador!"     Nanlaki ang mata ko hindi ko akalain na ako ang nanalo. Napayakap sa akin si lilac.     "Congrats charlotte, masaya ako na nakuha mo ang title" nakangiting sabi niya. Wala din akong masabi sa kabaitan ni lilac. Title holder din kasi siya last year.     "Thank you!" sabi ko sabay rampa sa stage with matching wave hands.     Lumapit sakin si mama at papa para yakapin ako. Pagkatapos ng pageant ay papasok na sana ako sa sasakyan ng lumapit sa akin si sky. Ngayon ko lang napansin na nanuod din pala siya.     "Sabado bukas," sabi niya sabay ngiti.     "Oo na tuturuan kita" sabi ko sabay pasok sa kotse.     "Bye charlotte" sabi niya sabay kaway.     "Charlotte gwapo nung kausap mo kanina bagay kayo" nakangiting sabi ni papa habang nag-ddrive.     Na gets ko na si sky ang tinutukoy ni papa.Nagulat ako nung binatukan ni mama si papa.      "Ang bata bata pa ni charlotte gusto mo nang pag asawahin!!". Si mama talaga fast forward kung mag isip.     "Ma... pa.... sa bahay na po kayo magsakitan baka mabunggo tayo!" saway ko.     ---------------------
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD