PAGBUKAS PA LAMANG ni Onofre ang pintuhan ay bumungad sa kaniya ang nakaumang na baril. Natulos siya sa kabiglaan at napaatras. Ngunit nang makita kung sino ang may-ari noon ay tila nabunutan siya ng tinig sa dibdib. "Angelic..." aniya kasabay ng buntong. "Nakaalis na sila. Nasaan ang papa mo.." tarantang wika ni Angelic ng makabawi. Maging siya man ay natakot ng bumukas ang pintuhan ng morgue. Akala niya ay multo na, si Onofre lang pala. "Gising na si Papa.." masayang wika nito saka nila binalikan ito. Kinilabutan si Angelic sa lugar na kinaroroonan lalo na at helira ng bangkay ang naroroon. "Ilabas na natin siya. Nakakatakot rito.." bulong ni Angelic sa lalaki. Napangisi si Onofre. May kinakarakuta din pala ang babae. Kaya mabilis niyang kinalabit ito sa kabilang braso saka nagkunwa-