"PA! Please huwag ka munang bibitiw. Ligtas ka na. Naririto na ako.." ani ni Onofre habang nasa back seat kasama ang papa nito. Mabilis ang takbo ni Angelic sa pinakamalapit na ospital roon. Halos nakikipagkarera na sila sa daan at mabilis na deniretso sa emergency area ang sasakyan. Mabilis na bumaba si Onofre at tinawag ang pansin ng ilang emergency response team ng ospital at mabilis namang rumesponde ang mga ito dala ang stretcher kung saan nilagay ang ama. Maging ang doktor ay naging mabilis ang ginawang pag-aasikaso sa ama at nakitang kinakapa ang heart beat ng ama at pulso nito. "Papa..." nag-aalalang tinig ng makitang tila hindi na makapa ng doktor ang puso nito. Maging ang pulso ay nagawa nang kapahin lahat ng assistant nurse nito maging ang sa leegan nito kung saan ay may pin