ISANG MALAKAS NA BALIBAG SA pintuhan ang nagpatingil sa kanilang lahat kasunod noon ang isang nakakabinging putok. Muli ay isahang tingin nila sa kung saan dumapo ang putok na iyon. Talagang natigagal sila dahil asintado ang pagkabaril sa lalaking akala nila ay kanina pa todas. Saktong sa nuo nito tumama ang putok na iyon. Muli ay binalingan ang bagong dating. Si Black Dragon. "Your the best Boss!" Puri ni Angelic dito. "Asintadong asintado." Mas lalong natigagal si Onofre ng makilala ang lalaking nasa harap. May tabing ang mukha nito pero kilala niya ang mukhang iyon. "Dante!" Bulalas niya. Kilala niya ito. Isa itong NBI na kasama sa nakaengkuwentro nila minsan sa isang malaking transaksyon ng sindikato. Pero papaano ito nabuhay kung maging sa libing nito noon ay naka-televise. May