"HELLO BRO, hello!" Tinig ng kaibigan sa kabilang linya. Medyo nawala kasi siya dahil sa pagdating ni Randy at mas lalong nakuyuryos siya ng makita ang uri ng pakikipag-usap sa limang lalaking naroroon. "Yes, bro. We'll talk when you come. I have to hang up.." aniya saka tinatayan na ito ng tawag. Nakitang tinapik pa ni Randy ang balikat ni Menandro bago tuluyang umalis ang limang lalaki at pumasok naman si Randy sa kaniyang opisina. Hinintay niya munang makaalis ang mga lalaki at nagpalipas ng ilang minuto bago siya bumaba ng kaniyang sasakyan. Nasa pintuhan siya ng makiramdam muna siya. Naulinigan niya kasing tila may sinasabi ito sa kaniyang sekretarya. "Hindi ba't sinabi ko sa'yong lahat ng galaw ni Onofre ay sabihin mo sa akin?" Tinig nitong naulinigan. "Sinasabi ko naman lahat s