Chapter 27: REVALATION

2143 Words

PUNONG-PUNO ang bibig ni Angelic ng halos hindi niya ito malunok-lunok. Buti na lamang at mabilis na inabot sa kaniya ni Onofre ang baso ng juice. "Oh hinay-hinay lang kasi..." ani ng lalaki sabay tapik sa likod niya. Ubos ang buong basong juice bago ilapag iyon. Kasabay ng kaniyang pagdighay tanda na nabusog siya. "Oppsss..excuse me.." pasintabi rito. Napatawa si Onofre. "Sinasabi ko na nga bang masarap luto ko eh..." pagyayabang nito. "Gutom lang ako noh..." aniya naman upang pagtakpan ang kaniyang pagkapahiya. Nang maya-maya ay gumawa naman ito ng kaniyang pagkain saka kinain iyon. Nagawa rin niyang pagmasdan ang bawat nguya ng lalaki. "Sino si General Policarpio?" Hindi mapigilang tanong rito. Kakagat pa sana ito sa sandwich na hawak ng binitawan nito iyon at humarap sa kaniya.

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD