Pagkasara ng cabinet ay siyang bukas naman ng pintuhan ng silid na kinaroroonan. Bakas ang panginginig ng murang katawan ng dalagitang kasama. Ramdam din niya ang buga ng hangin nito dahil sa maliit na espasyong kinaroroonan. Nakiramdam si Angelic at pinakiramdaman kung ilang tao ang nasa silid. 'Isa...dalawa..." bilang niya sa isipan. "Putsa! Nakatakas..." inis na wika ng mga ito. Saka masusing sinugod ang silid. "Boss, paano makakatakas eh wala naman silang pupuntahan.." ani ng lalaki na animo nasa pintuhan ng banyo ng pribadong silid na iyon. Tila naman napaisip ang tinawag nitong boss saka nakarinig sila ng yabag. Halos bumilis ang sasal ng dibdib ni Angelic nang mabatid na patungo ang yabag na iyon sa cabinet na kinaroroonan. Naramdaman niya ang pagtulo ng luha ng dalagita kasaba