Chapter 5

1109 Words
Hindi akalain ni Cecille na ganun pala kabilis ang takbo ng ambulansiya. Pero dahil nakatuon ang kanyang atensiyon sa asawa na nag-aagaw buhay ay hindi na niya napansin 'yun makalaunan. Pinagmamasdan niya ang mukha ni Lukas at nakaramdam siya ng panghihinayang. Bakit nga ba hindi niya natutunang mahalin ito? Sa haba ng panahon na nilang pinagsamahan sa iisang bubong. Dahil ba sa pananakit lagi sa kanya nito? Dahil ba hindi nito minahal ang kanyang anak? O sadyang wala siyang damdamin kay Lukas. Pagsisihan man niya ang pakikipagsiping sa totoong mahal niya ay huli na ang lahat. Nangyari na at nagbunga na. Sa isang banda ay hindi din niya ito dapat pagsisisihan dahil nagkaroon ng bunga at alaala ang kanilang naging pagmamahalan, si Karl. "Saang ospital po punta natin?" tanong ni Cecille sa isang nurse na nagmomonitor kay Lukas. "UST hospital po." sagot ng nurse. Tatanungin pa sana ni Cecille kung gaano katagal ang kanilang magiging biyahe pero nagdalawang isip siya dahil nakikita naman niya kung gaano kabilis ang ambulansya at wala pang trapik. Kahit wala siyang pagmamahal kay Lukas ay ayaw niya namang mamatay ito. Alam niyang masamang ipanalangin na mamatay ang isang tao. Naiisip niyang kung magbabago lamang sana si Lukas sa pakikitungo sa kanya at sa kanyang anak ay matutunan niyang mahalin ito. Tinext na ni Cecille ang biyenan kung saang ospital sila papunta at sinabi din niyang nasa biyahe pa din sila. Biglang tumunog ang phone niya sa pag-aakalang nag-reply na ang biyenan. Naalala niyang dapat ay tinawagan niya ito dahil malabo na ang mata nito at kung magtetext naman ay sobrang bagal dahil sa pag-aaninaw ng bawat letra sa touchscreen na keypad. Hindi nga siya nagkamali at ibang number ang nagtext. Maaring isang concern na kababayan nila sa loob-loob niya. "Sana ay naiganti na kita." Napakunot ang noo ni Cecille sa nabasang text. Nireplayan nya agad upang itanong kung sino ang nagtext pero hindi ito sumagot. Naghintay pa siya ng mga limang minuto pero hindi ito nag-reply kaya tinawagan na niya. Patuloy sa pagri-ring ang telepono pero ayaw nitong sagutin. Dalawang ulit pa niyang di-nial pero ayaw pa din nitong sagutin hanggang sa "the number you have dialled is either unattended or out of coverage area. Please try your call later." sabi ng recorded na salita sa cellphone. Pinagmasdan niya muli ang text nito. Napaisip siya ng malalim. Anong ibig sabihin nu'n at sino itong nagtext tanong niya sa sarili niya. Sino ba ang dapat niyang gantihan?Kung galit man siya o may sama ng loob sa kanyang asawa, hindi naman nalalaman yun ng ibang tao bukod sa malalapit sa asawa niya at sa kanya pero hindi ito nababalita sa labas. Pero hindi din siya sigurado sa loob loob niya, hindi naman siya nakikipag kapitbahay kaya hindi niya alam ang pinag uusapan ng mga tsismosa sa kanila at imposible din na sabihin sa kanya kung siya man ang pinag uusapan ng mga ito.Kung alam man nila, bakit kailangang iba ang gumawa nuon sa asawa niya? Bakit ganun ka-concern sa kanya? Biglang binagabag ang utak ni Cecille sa text na kanyang natanggap ng biglang nag-ring ang kanyang phone. "Daddy, daddy tatawagan ko na po talaga kayo." sumilip sa labas si Cecille at nakita niyang nasa Manila na sila. "Daddy malapit na po kami, UST hospital po." sagot agad ni Cecille sa biyenan kahit hindi pa ito nagtatanong. "Si Lukas?" dugtong ni ex mayor. "Wala pa siyang malay Daddy pero eto papasok na po kami ng ospital daddy." "Sige pasunod na ko dyan." huling salita ni ex-mayor bago tapusin ang tawag na 'yun. Naitawag na sa ospital ang kondisyon ni Lukas kaya't idiniretso na agad ito sa operating room sa ground floor ng ospital. Alam ni Cecille na hindi din siya maaaring pumasok ng OR kaya't nagpaiwan na siya sa labas. "Calling the attention of Dr. Arnold Gatbunton. You are urgently needed in the OR ground floor." Nakuha ng nagpe-page ang atensyon ni Cecille. "Tama ba pagakakarinig ko sa pangalan?" sa loob loob niya. At umulit ito. "Again, Dr.Arnold Gatbunton, OR ground floor please. Urgent." Parang nakaramdam ng bahagyang pagkabog ng dibdib si Cecille sa narinig na pangalan pero inisip niya na baka kapangalan lang ito dahil marami naman talagang magkakapangalan sa Pilipinas. Isang nurse ang lumabas ng OR at alam niyang siya ang hanap nito. Kinakabahan man siya ay siya na ang kusang lumapit dito. "Mam, kayo po kasama ng pasyente?" Tumango lang si Cecille. Babasahin lang po yung xray niya saka kinunan na po namin niya siya ng vital sign at ie-MRI po muna siya bago po operahan. Papunta na din po si doc." paliwanag ng nurse. Napatango-tango lang si Cecille at iniwan na siya ng nurse at bumalik na ito ng OR. Hindi pa din mapakali si Cecille hangga't hindi niya naririnig na maayos na ang kondisyon ng asawa. Sumasabay pa sa gulo ng isip niya ang text na natanggap niya. Pati ba naman ang pangalang narinig niya ay kailangan pa niyang isipin sa loob loob niya. Pilit tinanggal ni Cecille sa isip ang text message at pangalang narinig at nagdarasal siya habang siya ay palakad-lakad sa pasilyo ng ospital. Napalingon siyang bigla ng marinig niya ang elevator, pabukas iyon. Dahil wala siyang mapagtuunan ng kanyang pansin ay inabangan niya ang paglabas sa elevator ng kung sinumang galing sa mas mataas ng floor ng ospital. Naka scrubs suit ito na green at naisip niyang ito malamang ang oopera sa asawa niya dahill napansin niyang parang nagmamadali ito. Hindi inaalis ni Cecille ang pagkakatingin sa doktor dahil parang pamilyar sa kanya ang tindig at paglalakad nito. Nang medyo malapit na sa kanya ang doktor ay napansin niya nagsusuot na ito ng face mask pero bago nito tuluyang maisuot ang face mask ay nakilala niya ito. Hindi pa siya ganu'ng kasigurado hanggang ito ay mapalapit na sa kanya at mata na lang ang nakikita niya. Napansin marahil ng doktor na nakatingin sa kanya ang babae sa kanyang dadaanan kaya napatingin din siya dito at nagsalubong ang kanilang mga mata. Napahinto ang doktor ng makita si Cecille. Si Cecille naman ay parang nabato-balani sa pagkakatitig sa mata ng doktor. Nakatulala ito at bahagyang nakabuka ang bibig. Sa pagkakahinto ng doktor na nakatitig kay Cecille ay muli nitong tinanggal ang face mask na kakakabit lang. Mas lalong ikinagulat ni Cecille ang ginawa ng doktor at napatakip ang kanyang kanang kamay sa kanyang bibig upang mapigilan niyang sumigaw. Samantalang ang kaninang nagmamadaling doktor ay nakahinto ngayon sa harap ni Cecille at nakatitig sa mukha nito. "Cecille?!" pagtataka at pagkabigla ng doktor. "A-arnold ikaw ba yan?!" sagot ni Cecille na parang hindi pa din makapaniwala sa kanyang nakita. Tumigil bigla ang mundo ng dalawa. Sa isang iglap ay nakaligtaan ng doktor na tinatawag siya sa operating room samantalang nawala sa loob ni Cecille ang asawa na nag-aagaw buhay ng mga oras na 'yun.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD