Mabilis ang ginawa ni Cecille na mga hakbang hanggang narating niya ang labas ng ospital. Luminga-linga muna siya at hinanap ang cafeteria na sinasabi ng nagtext sa kanya. Wala siyang matanaw na cafeteria kaya't gumawi pa siya sa may highway upang mas malapitang makita ang mga dikit-dikit na karatulang nakikita niya. Kapagdaka'y nakita na naman niya ang babae na nakita niya kani-kanina lang malapit sa parking ng ospital. Naka-dress ito na plain black na hanggang tuhod. Nasa kabilang kalsada ito at nakatingin na naman sa kanya. Nang mapansin ng babae na nakatingin sa kanya si Cecille ay may pinasukan itong gusali, pagtingin ni Cecille sa karatula ng pinasukan ng babae ay isang cafeteria. Iyon na marahil ang nagtetext sa kanya at naisip niyang bigla kung paano nalaman ng babaeng ito ang nu