"Yan pa din ba hilig mo?" si Arnold ang unang nagtanong ng nasa mesa na sila. "Oo, ikaw ba?" balk na tanong ni Cecille. "Oo naman. Makakalimutan ko ba naman 'to? Ikaw lang malilimutin eh." sagot ni Arnold na hininaan ang huling sinabi. "Ano kamo?" tanong ni Cecille bagamat narinig niya 'yun kahit mahina pa pagkakasabi ni Arnold. "Wala. Tumatanda ka na talaga. Humihina na din pandinig mo." pabirong sagot ni Arnold ng nagsimula na itong sumubo. "Bakit ikaw lang?" dugtong na tanong ni Arnold. "Kumain daw sila bago nagpunta dito." sagot ni Cecille na nagsimula na ding kumain. "Yun ba si Karl, 'ung anak mo?" "Ah o-oo. Si Karl 'yun. Binata na noh." bahagyang naudlot ang pagnguya ni Cecille. "Pogi nga eh. Mana sa inyo ni Lukas." nakangiting puri ni Arnold. Pilit na ngiti lang ang isinag