Chapter 28

1679 Words

Napagmasdan ni Doreen si Karl at inalala niya ang mukha ni Doc Arnold. Napagtanto niya na malaki nga ang pagkakahawig ng dalawa ngunit ang ipinagtataka niya ay kung bakit hindi na nagkaanak ang kuya niya kay Cecille sa haba ng kanilang pagsasama. Hindi kaya baog ang kuya niya sa isip isip niya. Pero nakuha din ni Karl ang tindig at kilos ni Doc Arnold. Hinangaan niya ang hipag sa naging sakripisyo nito sa kanyang kuya bagama't hindi niya makuhang mamuhi sa kanyang kuya dahil kapatid niya ito. Pero bilang isang babae, ina at asawa ay nararamdaman ni Doreen ang paghihirap ng kalooban ng hipag, na kung sa kanya mangyayari 'yun ay malamang na nakipaghiwalay na siya sa unang buwan pa lang ng kanilang pagsasama ng kanyang asawa. "Nang-abala ka pa yata kay Doc Arnold." tanging nasabi ni Cecille

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD