Chapter18

1706 Words
Ayon sa pagkakabasa ng resulta ng xray ni Lukas, ang isang balang tumama sa katawan nito ay malapit sa puso kaya't delikado ang lagay nito. Nanginginig ang kamay ni Arnold ng una niyang hawakan ang instrumentong gagamitin at napansin yun ng nag-aassist na nurse. "Are you okey doc?" tanong ng nurse. Tumango lang si Arnold pero hindi pa din niya mapigilan ang panginginig. Unang pagkakataon sa buhay niya bilang isang doktor ang damdamin na gusto niyang iwan ang kanyang pasyente at tumawag ng ibang doktor pero alam niyang mali ang ganung pag-iisip. Isa pang dahilan ay walang surgeon na naka-detail ng ganoong oras. Gustong alalahanin ni Arnold ang reaksyon ni Cecille nu'ng sinabi nitong si Lukas ang pasyenteng nabaril. Hindi niya nabasa sa mukha nito kung ito ba ay nag-aalala ng labis kay Lukas dahil sa nangyari dito, natutunan kayang mahalin ni Cecille si Lukas matapos ang mahabang panahon? Ang mas binigyan niyang pansin ay ang mukha ni Cecille na parang kailan lang sila huling nagkita. Ang mga mata ni Cecille na ng tumama sa mata niya ay 'andu'n pa din ang kislap nito sa tuwing sila ay nagkikita at ang mga ngiti ni Cecille na nakakaengganyo na hindi ka maaaring ngumiti kapag nginitian ka nito. "Forceps." senyas at sabi ni Arnold sa nag aasist. "Doc?" tanong ng nurse dahil alam ng nurse na mali ang hinihinging instrument ni Doc Arnold, "i mean clamps sorry." pagtutuwid niya. Pinunasan ng isang nurse ng tissue ang pawis na nanggagaling sa noo ni Arnold upang maiwasang pumatak yun sa pasyente. Pero napansin ng nurse na patuloy ang pagpapawis nito. Nagkatinginan ang taga-abot ng instrumento at isang nag-assist na nurse. Alam nilang tensyonado at nagkakamali ang kanilang doktor. Aang hindi nila alam, hindi ito dahil sa paggagamot kundi sa taong gagamutin nito. "We'll be needing a cardiac surgeon. Bumagal ang pag-pump ng heart niya, kailangan maagapan. Please someone call any available doctor." sabi ni Arnold na nakatingin sa monitor. Sa labas ng operating room ay nanatiling nakaupo ai Cecille, naghihintay anumang sandali sa paglabas ni Arnold o ni Dr. Gatbunton. Naglilipat-lipat ang utak niya sa larawan ni Lukas na ngayon ay inooperahan at sa larawan ni Arnold na matapos ang dalawampung taon ay isa ng ganap na doktor. Nabawasan ng katiting ang pananabik ni Cecille na makita si Arnold dahil bigla niyang naisip na malamang na may asawa n din ito at hindi na tama ang ikinikilos niya na akala mo ay binata at dalaga pa sila. Na akala niya na ang pangako nila sa isa't-isa ay kahapon lang nila binitiwan pero sa loob ng maraming taon ay marami ng nangyari, gayunpaman ang makita niya ulit si Arnold ay sapat na para maging masaya siya ulit kahit pansamantala lang... kahit panandalian lang. Mag-uumaga na ng dumating ex-mayor na inaalalayan ng isang tauhan nito sa bahay. Hindi na kasama si Mayora dahil marami na itong nararamdaman sa katawan. Sinalubong agad 'yun ni Cecille. "Daddy." bati agad ni Cecille. "Si Lukas?" tanong agad ni ex-mayor. "Nasa OR pa po daddy, tara po upo muna po kayo." yaya ni Cecille sa kanyang inuupuan. "Si mommy po?" dugtong na tanong ni Cecille. "Iniwan ko sa bahay, nagpupimilit sumama naku sabi ko eh baka mapano pa siya. Itatawag ko na lang 'kako agad sa kanya. Ayun, iyak ng iyak du'n nu'ng iniwan ko." sagot ni ex-mayor. "Kamusta daw po imbestigasyon nila hepe daddy?" si Cecille. "Hindi daw du'n nagtatrabaho sa club 'yung babaeng 'yun. Sabi nung may ari saka nung mga babaeng nagtatrabaho du'n. Patambay-tambay lang daw 'yun sa harap ng club, minsan na daw na i-table 'yun nu'ng isang tauhan ni Lukas, hindi ko mawari kung kanino kina Joey o Cholo o kung kanino pa. Kaya 'yun, patuloy pa din sila sa paghahanap." sagot ni ex-mayor. Sabay napalingon si Cecille at ex-mayor ng bumukas ang operating room at lumabas si Arnold na parang nagmamadali. Nalimutang banggitin ni Cecille sa kanyang biyenan na si Arnold ang doktor na gumagamot kay Lukas. Hindi pa nito agad nakilala si  Arnold. Hindi naman magandang tingnan na ipakilala pa ni  Cecille si Arnold sa sitwasyon nila ngayon. Kahit may edad na ay mabilis nitong sinalubong ang kalalabas na doktor. "Dok kamusta anak ko? A-arnold ikaw ba yan?" bati ni ex-mayor na gulat na gulat pagkakita kay Arnold. "Opo mayor." tanging sagot ni Arnold. Gusto pa sanang kamustahin ni ex-mayor si Arnold pero mas inisip muna nito ang kalagayan ng anak na si Lukas. Inunahan na agad ni Arnold ng pagsasalita upang sabihin ang naganap na operasyon. Nanatili namang nakatingin lang si Cecille sa mukha ni Arnold. "Natanggal ko na po ang bala na tumama sa katawan ng pasyente... n-ni Lukas. Pero 'yung isang bala po ay dumaplis sa puso niya na nag-cause po ng problema sa daloy po ng dugo n'ya papunta sa brain. Binigyan ko na po s'ya ng anti-tetanus saka IV fluids. Nagpatawag  na po ako ng cardiac surgeon para po matingnan ang heart niya at lungs." paliwanag ni Arnold. "Arnold.. doc.. please, gawin mo o gawin n'yo ang lahat para kay Lukas." sabi ni ex-mayor. "Yes mayor. Pagdating po ng isang doktor itutuloy po ulit ang operasyon. Tatapatin ko po kayo mayor, as of now, delikado po ang lagay ni Lukas dahil po sa daplis ng bala sa puso niya pero gagawin po namin lahat ng magagawa namin." propesyonal na pagkakasabi ni Arnold. "And by the way mayor, thank you for this. Thank you for everything." pahabol ni Arnold at niyakap ang dating mayor ng San Isidro. Pakiramdam ni Arnold ay nawala lahat ng kinikimkim niyang galit sa dating mayor sa nakita niyang itsura nito na may edad na at damang-dama niya ang pakikiusap nito na gamutin ang anak niya. "Walang anuman Arnold. Kamusta na mga magulang mo?Sila Fredo at -- malilimutin na yata ako --- Milagring --- tama si Milagring?" tanong ni Mayor na nagkaroon ng interes si Cecille na malaman ang isasagot ni Arnold. "Ayos naman po sila. Malakas pa naman po. Dahil yata sa talbos ng kamote naming kinakain lagi nu'ng araw." natawang bahagya sabi ni Arnold. "Nung namasukan na po ako dito, nakakuha 'ko ng bahay sa isang subdivision kaya nailipat ko na po sila du'n pero dumadalaw pa din po kami du'n sa tinirhan namin dati. Kaso wala na po 'yung mga matatanda." dugtong ni Arnold na mataan namang nakikinig si Cecille. Pakiramdam ni Cecille ay nagpapapansin siya kay Arnold dahil napansin niyang hindi siya tinitingnan ni Arnold simula nu'ng lumabas ito ng operating room hanggang kausap ang biyenan niya. "Gaano katagal darating ang isang doktor Arnold?" tanong ni ex-mayor. "Mga twenty to thirty minutes po. Maaga pa lang po kaya hindi naman po siguro mata-traffic 'yun. Don't worry Mayor, we'll do our best." sagot ni Arnold. "May canteen ba dito o kahit anung pwedeng  pagkapehan?" tanong ng ex-mayor. "D'yan lang po mayor malapit po sa parking. Kuya pakisamahan na lang po si mayor." turo ni Arnold sa kasamahan ni ex-mayor. "Cecille gusto mo sumama?" alok ng kanyang biyenan. "Daddy hindi na po. Dito na lang po ako." sagot ni Cecille na pakiramdam niya ay nakatingin na sa kanya si Arnold. Hindi alam ni Cecille kung paano niya muling kakausapin si Arnold o anong una niyang sasabihin dito. Pagtingin niya kayArnold nu'ng lumabas pansamantala ang kanyang biyenan ay naroon pa rin ito at nakatingin pa din sa kanya, kaya nagtama ang kanilang tingin. "Ah eh dok ---" si Cecille na mangangamusta sana kay Arnold. "Cecille, may pangalan ako. 'Di ba tinawag mo 'ko kanina? Nalimutan mo na ba?" tanong ni Arnold na sumeryoso ang mukha. "Sorry A-arnold." sagot naman ni  Cecille. "Nakalimot ka na nga." at tumabi si Arnold sa kinauupuan ni Cecille. "A-anong ibig mong sabihin Arnold?" tanong ni Cecille. Biglang binago ulit ni Arnold ang reaksyon ng mukha niya. "W-wala... wala. Kamusta na? Ilan na anak n'yo ni Lukas. Saka ano ba nangyari?" sunod-sunod na tanong ni Arnold. Parang gustong mainis ni Cecille dahil kung kausapin siya ni Arnold ay napaka-kaswal na parang wala silang pinagdaanan. At sinagot niya 'to ayon sa pagkakatanong nito. "Isa lang, s-si Karl." hindi na makuhang tumitig ni Cecille sa mukha ni Arnold. "Hmm, Karl... ilang taon na si Karl?" sunod na tanong agad ni Arnold. "Twenty na siya." "Oh bakit nga pala. Anong nangyari kay Lukas?" balik na tanong ni Arnold at ipinatong pa nito ang dalawang braso sa dalawang hita habang nakatingin kay Cecille na naghihintay ng sagot. "Mahabang istorya eh." sagot ni Cecille. "I-ikaw kamusta ka na?" dugtong ni Cecille. "Well, eto okay naman. Happy life, nakakaraos na kahit papaano." kaswal na sagot ni Arnold at nagde-kwatro 'to sabay sandal sa dingding na kinadidikitan ng bench na inuupuan nila. Pakiramdam ni Cecille ay hindi niya nagugustuhan ang dating ni Arnold sa mga sagot nito. Bakit parang iba na ang Arnold na kausap niya ngayon? Parang wala na itong naalala sa nakaraan nila. Hindi niya inaasahan na ganu'n lang pala ang magiging tema nila sa muli nilang pagkikita. Mukhang malaki na nga ang ipinagbago nito at masaya na nga marahil ito sa buhay niya ngayon. Wala na siyang gustong sabihin kaya gumawa siya ng dahilan para lumayo dito. "P-parang nauuhaw ako. Susunod muna ko kila Daddy sandali ha." pagsisinungaling ni Cecille at sinabayan nya na 'yun ng tayo at lumakad ng padiretso. Hindi pa siya nakakalayo ay humabol sa kanya si Arnold at hinawakan ang isang braso niya dahilan upang mapahinto siya sa paglalakad. Nilingon niya si Arnold, sa kanyang paglingon ay kinabig agad siya ni Arnold at walang sabi-sabing hinalikan siya sa labi nito. Walang gaanong dumadaan sa pasilyong 'yun kundi ang mga nurse o doktor o kamag-anak ng pasyente na may kinalaman sa operating room. Hindi nakuhang magpumiglas ni Cecille, saglit niyang tinanggihan ang halik na 'yun dahil sa takot na may makakita sa kanila o dahil nabigla siya. Pero dahil sa kilala ng labi niya ang mga halik na 'yun ay nagpaubaya na siya at yumakap kay Arnold. Muli na namang huminto ang mundo ng dalawa. Pakiramdam nila ay sobra ang pananabik ng kanilang mga labi sa isat-isa. Isinandal ni Arnold si Cecille sa dingding upang mas lalo niyang maidiin ang mga labi niya. "Cecille, Mahal, miss na miss na mias kita" usal ni Arnold na hindi na hinintay ang isasagot ni Cecille at muli niya itong sinabasib ng halik sa labi. Nang marinig bigla ni Arnold na may tumatawag sa kanya. "Doc... Dr.Gatbunton? "tawag ng nurse na galing ng operating room. Mula sa palikong pasilyo ay lumabas si Arnold. "Yes nurse?" tanong ni Arnold. "Nag se-seizure po ang pasyente." sabi ng nurse. Patakbong pumasok si Arnold sa loob ng operating room.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD