Nagtagal din kaming magkasama ni Tristan sa library nang walang nakakakita sa amin kaya malaking bawas sa isipin ko 'yon. Nagbasa lang ako ng libro habang ginagawa niya ang mga schoolworks niya habang hawak ang kamay ko gamit ang kaliwang kamay niya. "Vince texted me. Gusto niya akong makita ngayon," sabi ko para mabasag ang katahimikan sa aming dalawa. "Go and meet him," sabi niya at naramdaman ko ang pagkibit ng balikat niya. Mabilis naman akong umiling dahil mukhang hindi ko kayang harapin si Vince nang may itinatago sa kaniya. Paano kung umasa siya? Lalo na at pinayagan ko pa siyang manligaw sa akin! "A-ayoko," sagot ko sa kaniya at pinagpatuloy pa rin ang pag-iling. "Papayag naman ako hangga't hindi pa natin sinasabi sa kanila ang totoo. Basta ay huwag ka lang magpapahalik ulit,"