Naghanap ako ng pwedeng sabihin kaya napaiwas ako ng tingin sa kaniya. Umayos ako ng tayo at bahagyang lumapit sa kaniya kahit na hinihingal pa rin ako sa pagkakatakbo. "Nasundo na ako. Hindi ko naman alam na pupunta talaga siya,"g hinihingal na sabi ko. Kita ko ang pag-angat ng isang kilay niya at napamewang pa habang tinitignan ako. "Okay then what are you doing here?" tanong niya at bahid sa boses niya ang iritasyon kaya mas lalo akong kinabahan. "Why are you mad?" tanong ko pabalik sa kaniya. "Hindi ako galit. Sige na pumunta kana at kanina ka pa hinihintay no'n," sabi niya at itinuro pa ang daan kung saan ako nanggaling kanina. "Let's meet later.. ahm, pwede mo bang iuwi yung kotse ko?" maingat na tanong ko sa kaniya. Kita ko ang pagbuntonghininga niya at nagkibit ng balikat k