Nakabalik kami ng ligtas at mapayapa sa Manila. Ang kaninang madilim na daan at kaonting ilaw na nanggagaling sa maliliit na sasakayan ay napalitan ng matataas na building. Mas dumami na rin ang sasakyan at mga ilaw na matatanaw sa iba't-ibang mga gusali roon. Na-traffic pa kami sa edsa kaya hindi ko maikakaila na nasa Manila na nga kami. Hindi ko rin maiwasang mapabuntonghininga dahil nararamdaman ko na naman na yumayakap sa akin ang lungkot na iniwan ko rito bago nagpunta sa probinsya. "Do you want to stay there for a bit?" tanong ko kay Tristan dahil ihahatid na niya kami sa bahay. Si Milan ay tulog pa pero hindi ko pa siya ginigising dahil wala pa naman kami sa bahay. Isa pa para makausap ko pa si Tristan na ganito. Bahagyang umawang ang labi niya na para bang nag-iisip pa pero mab