Pilit naman akong kumawala sa yakap niya at mabilis kong pinunasan ang mga luha ko. Ramdam kong mabigat na ang mga mata ko dahil sa pamumugto nito kaya humugot ako ng malalim na hininga at umayos ng tayo. "I'll tell you everything soon. Huwag na lang tayong mag-away dahil hindi ako nakakatulog sa gabi anak. Ang bigat sa pakiramdam," muling sabi niya. Nang makitaan ko ng lungkot ang mga mata ni Daddy ay mabilis akong nag-iwas ng tingin dahil alam kong iyon ang kahinaan ko kapag dating sa kaniya at kay Mommy noon pa. Hindi ko alam kung hanggang saan pa itong problemabg pinagdadaanan ko at sana naman ay matapos na rin kaagad dahil jindi ko alam kung kakayanin ko pa ba.. Kinabukasan ay maaga akong nagising kila Riva at Milan. Agad ko namang binuksan ang phone ko dahil hindi ko na 'yon nabuk