Sa gabing iyon ay nagmukmok na naman ako sa kwarto dahil nabagot din akong manood ng t.v. Hihintayin ko nga sana si Tristan na bumalik pero sobrang tagal niya roon sa harap ng dalampasigan kaya nauna na akong pumasok sa kwarto, Noong una ay hindi ako makatulog dahil halo-halo ang emosyon na nararamdaman ko dahil naiisip na bukas ko na nga makikita si Atty. Mendez na napakatagal kong hinanap. Naisip ko rin tuloy na baka hindi na ako magtagal sa islang ito kapag nalaman ko na ang last will ni Daddy. Marami akong naiisip tulad nang pagpapabagsak ko kay Veronica at ang pagbawi ng kompanya sa kaniya. Masyado na siyang nagpapakasaya sa yaman na hindi naman talaga dapat sa kaniya at dahil sa kasakiman niya ay gusto niya pa talaga akong ipapatay. Hindi ko alam kung paano ako nakatulog sa gabin