"I brought some foods and drinks here. Do you want beer," biglang sabi ni Tristan at inalok ako ng beer. Agad naman akong napailing dahil wala pa ako sa mood uminom ngayon. Siguro ay mamaya kapag ahon ko mula sa dagat para pampatanggal ng lamig. "Later," sagot ko at ibinaba ang mga gamit na dala sa isang lounger. "Can I try the camera?" muli niyang tanong at itinuro ang camera na hawak ko pa. "Yeah, sure." Sagot ko naman at agad na inabot sa kaniya. Hindi na ako makikipag-away pa sa kaniya ngayon dahil masyado nang malaki ang utang na loob ko sa kaniya para taray-tarayan siya. Isa pa ay sawa na ako sa alitan at gusto ko na lang maging mapayapa. Hinayaan ko naman siyang gamitin ang camera kaya sinimulan kong hubarin ang bathrobe na nakatapis sa akin para makapaglagay na ng sunscreen.