Chapter 9

2050 Words
My gosh, Cheska! Bakit tunog nagseselos ang boses mo?! Napailing na lang ako at napabuntong-hininga. Ang lakas naman kasing mangasar nitong si Tristan e! Well, she's pretty and sexy at bumagay pa sa kaniya ang maikli niyang buhok. Bagay naman talaga sila ni Tristan at magka-edad pa pero ayokong tanggapin 'yon. "I'm asking if you were jealous because Kyle is dancing with someone. Ano'ng sinasabi mong bagay kami?" sunod-sunod niyang sabi at natawa sa dulo. Halos mag-init ang pisngi ko nang ma-realize ko na iyon pala ang tinutukoy niya! "Kung kami ni Francine ang sinasabi mong bagay, well yes tama ka. Bagay talaga kami," nakangiting sabi niya. "Hindi kayo bagay," bulong ko pero mukhang narinig niya 'yon! "What?" natatawang tanong niya. Kumunot ang noo ko at umiling na lang. Nag-iwas ako ng tingin dahil hindi ko siya matignan ng diretsyo sa mata dahil naiilang ako. "What is it? Tell me," he said again. "Wala," inirapan ko siya at muling umiling. Hinuli niya ang tingin ko kaya sinamaan ko siya ng tingin. Bakit ba kasi ang gwapo niya e! Ang pula pa ng labi niya, nakakainis! "Uupo na ako. Masakit na paa ko," sabi ko at humito na sa pagsasayaw pero ganoon pa rin ang posisyon naming dalawa. Nag-iba ang ekspresyon niya pero tumango na lang din siya at binitawan na ako. Parang may kumirot sa puso ko nang talikuran ko siya habang pabalik sa table namin. Maganda ang party ni Kyle, naging abala na rin siya sa mga bisita niya at bisita ng family niya nang matapos ang sayawan. Balik na rin sa normal, nag-iinuman na rin ang mga boys at kami naman ay nakisali na rin kahit ayaw ni Kuya Rafael. "Hey, you are making moves na ha," bulong ni Riva sa akin. "Anong moves sinasabi mo?" kunot-noo kong tanong sa kaniya. Moves na ba ang tawag doon? Halos ipamukha nga sa akin ni Tristan na ang gustong-gusto niyang babae ay si Francine! "Duh? Diba you are dancing with Tristan kanina?" tanong niya. "Hindi ko rin alam kung paano nangyari 'yon, Riva. Huwag kang ma-issue," sagot ko at inirapan niya. Humagikhik siya at hindi na ulit ako pinansin. Si Milan ay halos hindi na kami kausapin dahil nakikipagtawanan siya sa mga boys at nakikiinom na rin. "May after party pa?" tanong ni Riva kaya bigla akong napatingin sa kaniya. Abala kasi ako sa phone ko at dahil no choice at wala akong magawa ay nag-reply ako sa mga manliligaw ko na nag-iiwan ng message sa messenger ko. Bored ako e, kaya iyon na lang ang ginawa ko. "Yeah. Pero hindi kayo sasama," sabat ni Kuya Rafael dahil narinig niya pala ang tanong ni Riva. "Huh?! Gusto-" hindi niya natuloy ang sasabihin. "You're not allowed to go there Riva. makinig ka na lang sa Kuya mo," sabat ni James sa usapan kaya hindi naituloy ni Riva ang sasabihin niya. Riva shut her mouth off while pouting. I smirked, syempre si James na ang nagsabi. "We can takas naman right?" bulong ni Riva sa akin nang mawala na ang atensyon sa kaniya. Nanlaki ang mga mata ko sa sinabi niya. Lagi naman namin ginagawa 'yon pero hindi ko inaasahan na ngayon! Baka mahuli kami ni Kuya Rafael at sigurado akong isusumbong niya kami kay Tita Emelda. "No. Baka mahuli tayo," kinakabahan na sagot ko lalo na nang makita kong nakatingin si Tristan sa akin. "Hoy ano pinag-uusapan niyo?" tanong ni Milan at mukhang lasing na dahil namumula na ang muka niya. "Riva's planning to escape later," bulong ko pabalik. Nanlaki ang mga mata ni Milan, umiling ako kaya naman natawa siya. Mahilig kaming mag-party pero sa tingin ko hindi ito ang tamang oras para doon. Wala akong gana ngayon. Ilang sandali rin ay bumalik si Kyle sa table namin, umalis si Milan sa tabi ko kaya sa tabi ko siya umupo. "Did you enjoy it?" he asked. "Yeah of course," natutuwang sabi ko. Ang kamay niya ay lumapat sa likod ng upuan ko at sa akin na siya nakaharap ngayon. Napatingin ako sa gawi nila Tristan, nakasandal na ngayon ang ulo ni Francine sa balikat niya. Nag-iwas siya ng tingin nang makitang nakatingin ako sa kaniya kaya kumalabog na naman ang puso ko. Ilang sandali lang din akong nakausap ni Kyle at muli siyang nag-paalam dahil tinatawag siya ng mga ibang kaibigan niya sa ibang school. "Alis muna ako ah? Sorry," paalam niya sa akin. Tumango naman ako at ngumiti sa kaniya. Nang makaalis si Kyle ay hindi ko na naman naiwasan mapatingin kay Tristan at kay Francine. Mukhang inaantok na siya at mas lalong hindi natanggal ang tingin ko sa kanila nang tumayo sila. "Francine, don't worry! Kami bahala dyan!" sabi ni Jake kaya nagtawanan sila. Natawa rin si Francine at dumapo ang mga tingin niya sa akin. "Sabihin niyo na lang kay Kyle nauna na ako. May work pa kasi ako bukas e," mahinhin niyang sabi. "Yeah, sure! Ingat kayo ha. Tristan, bumalik ka," paalala ni James. Tumango naman si Tristan at inalalayan si Francine hanggang sa tuluyan na silang nakaalis. Hindi rin naman nakaiwas ang tingin ni Riva at umirap na lang siya dahil sa nakita niya. Ilang minuto rin ang lumipas at hindi pa nakakabalik si Tristan kaya feeling ko ay hindi na siya babalik. Matutulog kaya silang magkasama ngayong gabi? Saan niya kaya hinatid si Francine? Pinilig ko na lang ang ulo ko para matigil sa mga kung anong naiisip. "Pahangin lang ako," paalam ko, pero ngumisi at tumango lang sa akin si Riva. Naglalakad na ako palabas nang masalubong ko si Tristan, kumunot ang noo ko dahil akala ko ay hindi na siya babalik dito. Napahinto siya pero nag-iwas ako ng tingin at direstyong naglakad. "Going home?" tanong niya kahit nasa likuran ko na siya. Napahinto ako at humarap sa kaniya kahit pa abot na naman ang tahip ng puso ko. "Pahangin lang," sagot ko at nagkibit ng balikat bago tuluyang umalis. Tanging ilaw ng poste ang nagbibigay liwanag sa tapat ng venue ni Kyle. May bench doon kaya mas pinili kong doon umupo. Tanaw ko ang buwan at bituwin ng tumingala ako kaya bahagyang gumaan ang pakiramdam ko. Hindi ko rin naman naiwasang maalala si Mommy kaya nakaramdam na naman ako ng pangungulila. Napayakap ako sa sarili ko nang maramdaman ang malamig na hangin kaya pumikit ako at inisip na yakap 'yon ni Mommy. Alam kong ginagabayan niya ako sa lahat ng mga ginagawa ko kahit wala na siya rito. "Wear this," Muntik akong mapatalon nang biglang may nagsalita sa gilid ko kaya napadilat din ako. Nang bumaling ako ay agad kong inangat ang mga tingin ko at nakita kong si Tristan 'yon. Inilahad niya sa akin ang coat niya pero tinignan ko lang 'yon, baka matambakan ako ng mga gamit niya kapag kinuha ko pa 'yon. Nang mapansin niyang ayaw kong tanggapin 'yon ay siya na mismo ang nagsuot sa akin nito. Halos maayos ko na naman ang pabango niyang naiwan doon kaya halos mapasinghap ako. "T-thanks," I said awkwardly. Mas lalong kumalabog ang puso ko nang tumabi siya sa akin at tumingala rin sa itaas, nagawa ko tuloy siyang titigan habang nakaawang ang mga labi ko. "Bakit ka nandito? Baka hanapin ka ni Kyle," aniya at muling ibinalik ang mga tingin sa akin. Nag-iwas ako kaagad ng tingin at itinawa na lang ang kabang nararamdaman. "We're just friends. Ikaw bakit ka nandito? Akala ko hindi kana babalik," sunod-sunod na sabi ko. Natawa siya, "Hinatid ko lang si Francine at hindi ako pwedeng hindi bumalik," sabi niya. Tumango na lang ako at hindi na nagsalita pang muli. Ang taksil kong puso ay kumikirot na naman sa tuwing naiisip kong sila na nga ni Francine. Naisip ko tuloy kung ano'ng pakiramdam na makasama siya sa iisang kotse. Muli kong pinilig ang ulo para matigil na naman sa kakaisip. Tumingala ako para mas makita ang buwan at mga bituwin dahil ito lang ang nagpapakalma at nagpapagaan ng nararamdaman ko. "Do you like Kyle?" biglang tanong ni Tristan. Napahinto ako. Bakit naman niya naitanong 'yon? My gosh, Tristan! Kung alam mo lang ay sayo ako patay na patay. Nagpakawala ako ng hininga bago ako sa kaniya. His eyes darkened and I can't read his expression. "Oo naman, sino bang hindi magkakagusto kay Kyle?" sagot ko at natawa dahil sa tanong niya. Mabait si Kyle sa lahat at gwapo rin siya. Maalaga rin siya katulad sa akin kaya naman marami ring babaeng nagkakagusto sa kaniya. "Oh, really?" he asked but I can sense sarcasm. "What if he court you?" he asked again. Kailanman ay hindi ko naisip 'yon. Alam kong mabait si Kyle at alam kong ganoon din siya sa lahat kaya hindi ko binibigyan ng kahit na anong kahulugan ang pagiging mabait niya sa akin. "I don't know," sagot ko pero sana wag naman dahil ayokong masira ang pagkakaibigan namin ni Kyle kapag nangyari 'yon. "I like Kyle but as a friend. May iba akong gusto," dagdag ko at hindi napigilang mapangiti nang mapatingin ako sa kaniya. Dahil ang taong gusto ko ay nasa tabi ko na ngayon. "So who's that lucky guy?" tanong niya at kita ko ang pag-angat ng dalawang kilay niya. "And why would I tell you?" tanong ko naman pabalik sa kaniya. Edi nalaman mong ikaw! Baka layuan mo pa ako kapag nalaman mong crush kita. "Bata ka pa para dyan," he seriously said. "I'm not a child anymore," I rolled my eyes at him "Pwede na nga akong mag-boyfriend," dagdag ko pa. "Who said?" muli niyang tanong. "Ako. Magbo-boyfriend ako kung kailan ko gusto," maarteng sagot ko sa kaniya. Kung gugustuhin kong mag-boyfriend ay bukas na bukas magkakaroon na ako, pero ayoko lang dahil siya nga ang gusto ko. "Bakit? Gusto ka ba ng gusto mo?" muli na naman niyang tanong at halos parang sinaksak ako roon! Napanguso ako at hindi nakapagsalita. Tumingala akong muli sa itaas at pinagmasdan ang mga bituwin. May posibilidad kayang magustuhan niya rin ako? – He's just like a stars, I can see him but it's hard to reach him. "Wether he likes me or not, the important here is my feelings for him." I said and then smiled bitterly. - Mabilis lang lumipas ang araw at lunes na naman kaya balik school na kami. Kagaya ng dati, nakakatanggap pa rin ako ng mga love letters at halos hindi ko na mabasa ang iba dahil pare-parehas lang naman ang mga sinusulat nila araw-araw. Marami rin nagte-text sa akin at kumukulit nang sinubukan ko silang reply-an noong birthday ni Kyle. Hindi rin kami natuloy tumakas noong gabing 'yon dahil nakatulog ako kaagad nang makauwi kami. "Cheska, nood ka sa game namin ha?" Si Anthony nang masalubong namin siya sa corridor. "Sure! Sige manonood kami mamaya," sabi ko tumango bago pinagpatuloy ang paglalakad. Lagi naman kami nanonood ng game lalo na kapag college ang naglalaro, dinadayo pa nga namin 'to noong senior high school kami. Gusto rin naman ni Milan 'yon dahil marami raw hot! Kagaya nga ng sabi ko, mabilis lang lumipas ang araw at tapos na kaagad ang klase namin. Inaya ako nang dalawa sa gym dahil may titignan lang daw sila. Hindi sana ako sasama dahil nakalimutan kong dalhin ang sweater ni Tristan. Nakakahiya kung makikita niya ako roon lalo na at awkward pa ang huling pag-uusap namin noong birthday ni Kyle! "Gusto niyo lang sumilay e!" pagrereklamo ko at nirapan ko silang dalawa. "Don't be bitter na Cheska, we know naman na broken ka because Tristan has a girlfriend na," maarteng sabi ni Riva. "Tigilan mo ako sa pag-conyo mo ha. I will sumbong you to kuya Rafael mamaya you want?" I mocked her. Inirapan niya ako at natawa na lang si Milan sa aming dalawa. Hindi naman ako bitter, marami akong manliligaw at pwede akong magkaroon ng boyfriend kahit ngayon o bukas. Gosh! Ilang beses ko na 'yan sinasabi sa sarili ko pero hanggang ngayon ay takot na takot pa rin ako sa commitment. May training ngayon sila Kuya Rafael kaya gusto rin nilang manood. Pagdating namin sa gym ay nakita ko kaagad si Vanessa na may kasamang dalawang alupong na hindi kagandahan katulad niya. Nang makita ako ng kasama niya ay agad itong bumulong kay Vanessa kaya inunahan ko na sila sa pag-irap. "Sissy mo," bulong sa akin ni Milan pagkatapos ay humagikhik.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD