"Okay sweetie, do you want me to give you a money-" hindi natuloy ni Daddy ang sasabihin niya.
Agad akong umiling, may trash fund ako at doon ako kumukuha ng pang-gastos ko at mga luho ko.
"No, no, Dad. May natira naman sa allowance ko last week," sagot ko.
Tumango naman si Daddy at hindi na ako kinulit pa. Hanggang sa nag-decide na kaming umuwi dahil gumagabi na.
"Are you sure? Ihahatid na kita,"
"No, Dad. I'm okay," sabi ko agad na umiling.
"Okay just call me if you need anything. Bye sweetie," he said and then he kissed my forehead and hugged me.
Tumango naman ako at nagpunta na kaagad sa bilihan ng sapatos habang hinihintay ang susundo sa akin.
Nagpunta ako sa isang shoes store at naghanap doon ng mas babagay at maisusuot ni Kyle kaya lang ay hindi ko alam ang size ng paa niya kaya kinailangan ko pang tumawag kay kuya Rafael para itanong 'yon.
Size twelve Cheska, why?" tanong ni Kuya Rafael.
Sige kuya thanks!" sagot ko at agad ko nang binaba ang phone. Hindi ko na rin sinagot ang tanong niya.
Maraming magaganda doon at pati ako ay gusto kong bumili ng sa akin pero naisip kong marami pa akong hindi nasusuot na sapatos. Nakapili ako kaagad at alam kong magagamit naman 'yon si Kyle lalo na sa paglalaro nila ng basketball. Kulay itim 'yon at sure akong bagay kay Kyle dahil maputi siya. Pagkatapos kong bilhin 'yon ay agad ko nang tinawagan ang driver namin, mabuti na lang nasa labas na siya at hindi kona kailangan maghintay pa.
Nagpaplano akong mag-drive lesson dahil gusto ko na rin magkaroon ng sariling sasakyan. Alam ko rin naman na isang sabi ko lang kay Daddy ay ibibigay niya kaagad. Kaya lang ay wala pa akong oras dahil sasali nga ako sa Olympics ng University ngayong taon.
Bago naman ako makalabas ng mall ay nahagip ng mga mata ko si Tristan at ang kasama niyang babae na si Francine. Kalalabas lang nila sa isang restaurant at nagtatawanan pa sila. Napawi naman ang mga ngiti ni Tristan nang nakita niya ako at halos hindi ko na naman maintindihan ang biglaang pagtibok ng puso ko. Napaiwas ako kaagad ng tingin at binilisan ko na lang ang paglalakad ko para hindi ko sila makasabay.
Duh ang awkward kaya!
"Gaga ang mahal nyan a?" si Milan nang makita ang binili kong regalo para kay Kyle.
Sila kaagad ang sumalubong sa akin nang makauwi ako.
"Huh? Hindi naman, tsaka birthday naman niya. Okay na 'yan," sagot ko habang tinitignan ang pagbabalot nila doon.
"Sabagay mayaman ka naman," sagot ni Milan at nagkibit ng balikat.
Napagod ako ngayong araw at dumagdag pa sa akin si Tristan. Bakit ba kasi naging crush ko pa siya at bahagyang umasa sa kaniya! May girlfriend naman na pala.
Hindi ko alam kung paano ako nakatulog sa gabing 'yon pagkatapos kong maligo. Basta ay kinabukasan nagising na lang ako nang maagang-maaga at tulog na tulog pa ang dalawa.
Mamaya pang five pm magsisimula ang party ni Kyle kaya mahaba pa ang oras namin. Sa sobrang aga kong nagising ay ako na ang nagluto ng breakfast namin at naisipan ko na rin gumawa ng cake sa tulong ng mga kasambahay namin. Marunong naman ako dahil tinuruan ako dati ni Mommy.
Carrot cake ang ginawa ko para healthy at makakain ng lahat. Dadalhin ko 'to para kay Kyle kahit na may regalo na ako sa kaniya. Alam ko rin naman na maraming cake doon pero gusto ko pa rin gumawa dahil masyado akong maaga nagising ngayon!
Nang matapos ako roon ay tinuloy ko ang painting ko hanggang sa nagising na ang dalawa kong kaibigan. Ginawa lang namin maghapon ang mga routine namin at nang magbandang hapon ay sinimulan na kaming ayusan ni Milan. Simple lang ang make up ko at naka-bun ang buhok ko, nag-iwan lang din ng kaonting hibla ng buhok si Milan sa muka ko at ayos na.
"I'm so excited!" hagikhik ni Milan.
"Sana ayain akong sumayaw ni James," kinikilig na sambit ni Riva.
Napairap na lang ako sa kanilang dalawa.
"Yung isa dyan bitter," humalakhak si Milan pagkatapos sabihin 'yon.
"Ang sabi niya wala raw siyang girlfriend!" pagrereklamo ko.
"Gaga! Matagal naman na nating alam na nililigawan niya si Francine. Malay ba natin na sinagot na siya?" sunod-sunod na sabi ni Riva.
"Ang bagal mo kasi!" ani Milan.
Puro irap na lang ang iginawad ko sa kanilang dalawa hanggang sa makarating kami sa venue ng party ni Kyle nang busangot ang muka ko Dala din namin ang mga regalo at ang cake na ginawa ko kanina.
Malaki ang venue ng birthday party ni Kyle, marami ring bisita at mga photographer doon. Nakita ko James at ang ibang ka-grupo nila, naroon rin ang mga kaklase nilang babae at si Kuya Rafael. Agad ko ring nahagip si Tristan at nakita kong kasama niya si Francine. Nagtama ang tingin naming dalawa at hindi ako kaagad nakaiwas ng tingin. Huminga ako nang malalim at pinilit na ngumiti nang makalapit kami sa kanila.
"Where's Kyle, Kuya?" tanong ni Riva at bahagyang nagpa-cute nang napatingin sa kaniya si James.
"Nasa harapan. Cheska, kanina ka pa niya inaantay," sabi ni James at bahagyang natawa.
"Okay thanks, I'll just give my gifts for him," I said and then walked away.
Nakita ko si Kyle na binabati ang mga bisita niya at nang nahagip niya ako ng tingin ay agad siyang lumapit.
"Happy Birthday!" bati ko
Inilahad ko sa kaniya ang isang box na naglalaman ng cake na ginawa ko
"Ay wow! thank you, Cheska," masaya niyang tinanggap 'yon.
"She baked that, Kyle." Si Milan.
"Really? Itatago ko 'to at ako lang ang kakain," natatawang sabi ni Kyle kaya natawa rin kami.
"I have one more," sabi ko at nilahad kong muli ang isang box.
lThank you Cheska, hindi naman na kailangan pero salamat. Hindi kana sana nag-abala," nahihiyang sabi niya.
Magsasalita na sana ako nang biglang may lumapit sa kaniya at kinuha ang mga regalo.
"Itago niyo 'yang cake ha? Ako lang kakain niyan," utos niya kaya muli akong natawa at napailing dahil hindi ko alam kung seryoso ba siya roon.
"Bumawi ka na lang sa birthday ko," pagbibiro ko.
Natawa siya at tumango-tango. May iilang tumitingin na sa amin at mukhang gusto siyang lapitan kaya nang maibigay nila Riva at Milan ang regalo nila ay nagpaalam na kami.
"Cheska," narinig kong tawag sa akin ni Kyle.
Nang mapalingon ako sa kaniya ay nagulat ako nang agad niya akong niyakap kaya napayakap na lang din ako sa kaniya pabalik habang natatawa.
"Thank you talaga. Mamaya pupunta ako sa table niyo," sabi niya.
"Sana all may yakap," parinig ni Milan.
Narinig naman 'yon ni Kyle ay muli itong natawa at niyakap ang dalawa.
"Grabe ang bango ni Kyle! Kailan ko kaya mayayakap si Jake?" bulong ni Milan.
"You wish. Haliparot ka talaga!" asar sa kaniya ni Riva.
Natatawa na lang ako sa kanilang dalawa nang mag-asaran na naman silang dalawa habang papunta sa table kung nasaan sila Kuya Rafael. Ayaw ko nga sana dahil makikita ko na naman si Tristan kasama ang girlfriend niya pero no choice ako.
Wala roon sa table ang mga girls na classmates nila Kuya Rafael pero ang girlfriend lang ni Tristan ang naroon at kami. Nilibot ko na lang ang paningin ko sa mga bisita para hindi na makita pa sila Tristan pero hindi ko pa rin naiiwasan ang mapasulyap sa kanila.
Nagsimula ang party at nagsimula nang kumain. Ang mga boys ay may kaniya-kaniyang pinag-uusapan. Si Riva naman ay minsan kinakausap si James at ito namang si Milan ay nakatabi na kaagad kay Jake. Buti nga ay kinakausap pa nila ako dahil kung wala lang si Francine rito ay kanina ko pa nilandi si Tristan!
Marami pang mga ginawa na madalas ginagawa sa party, lalo na nang matapos kaming kumain. Mabuti na lang din ay pumunta si Kyle sa table namin kaya may nakausap din ako. May mga ka-batch din ako na nakikita sa kabilang table na tinatawag ako pero hindi ko magawang tumayo.
"Now guys, let's dance!" announce ng emcee at nagsimula ng patugtugin ang acoustic music.
"Sayaw tayo!" pag-aaya ni Kuya Rafael.
Tumayo siya kaya sinundan siya ng mga boys at naghanap na ng mga babaeng pwedeng isayaw.
"Kuya can I join?" pa-cute na taning ni Riva, inirapan lang naman siya ni Kuya Raf at tinanguan.
Napatingin ako sa gawi nila Tristan, he glanced at me and looked at his girlfriend. Mukhang maiiwan ako rito sa upuan ngayon dahil umalis na rin si Milan. Ang baklang 'yon talaga! Nakakalimutan na may kaibigan siya kapag maraming lalaking nakapaligid sa kaniya!
Lumingon ako sa kabilang table at nakita kong may papalit na sa aking lalaki. Kahit sino ay isasayaw ko ngayong gabi basta lang ay hindi ako maiwan dito mag-isa!
Pero bago pa 'yon tuluyang makalapit sa akin ay may nagsalita na sa gilid ko.
"May I have this dance?" Isang kamay ang nakalahad sa harapan ko.
Napaangat ang tingin ko at si Kyle 'yon, inaantay ako. Napangisi naman ako dahil sa wakas hindi ako maiiwan dito mag-isa. Pero napalingon akong muli sa lalaking palapit sa akin kanina, nang makita niyang kasama ko na si Kyle ay kaagad siyang naghanap ng iba.
Ipinatong ko naman ang kamay ko sa palad ni Kyle habang nakangiti. Tumayo ako at naramdaman ko kaagad ang paghawak niya sa bewang ko habang papunta kami sa gitna para magsayaw.
I saw Tristan in my peripheral vision at nasa tabi na namin sila, sumasayaw na rin silang dalawa ni Francine ngayon.
"Ang ganda mo ngayon, Cheska," naagaw ang atensyon ko ni Kyle nang magsalita siya.
Nagsimula na rin kaming magsayaw at halos masilaw ako sa mga flash ng camera dahil maraming kumukuha sa amin ng litrato.
"Ngayon lang?" pabirong tanong ko.
"Of course, araw-araw!" bawi niya kaya parehas kaming natawa.
Hindi yata natitigil ang ang mga photographer dahil sunod-sunod ang kuha nila ng litrato sa amin. Nang mapansin naman ni Kyle na nasisilaw ako ay binawal niya na ang mga 'yon.
Habang nagsasayaw ay hindi ko napigilang mapatingin sa gawi nila Tristan. Nakita ko siyang nakatingin sa amin ni Kyle kaya halos kumalabog ang puso ko at kaagad nag-iwas ng tingin.
"N-natikman mo na yung cake?" tanong ko kay Kyle para maibsan ang kabang nararamdaman ko dahil kay Tristan.
"Hindi pa. Pero pinauwi kona sa bahay," sagot niya at bahagya muling natawa.
Inikot ako ni Kyle at nagbitiw ang mga kamay namin. Akala ko ay matutumga ako pero agad ding may sumalo sa bewang ko. Pag-angat ko ng tingin ay ibang mukha na ang nasa harapan ko.
It's Tristan.
Hindi ko alam kung paano nangyari 'yon. Basta nagulat na lang ako na nagsasayaw na kami ni Tristan ngayon.
"Why you looked so nervous?" he asked and then chuckled.
My gosh, Tristan huwag mo akong pakitaan ng ganyang ngiti mo dahil mas lalo akong nahuhulog sa'yo! Kinalma ko ang sarili ko at matapang siyang tinignan.
"Huh? Hindi ah," sabi ko at agad nag-iwas ng tingin dahil hindi ko pala kayang makipagtitigan sa kaniya.
Nakita ko si Riva na kasayaw ngayon si James. Nanlaki ang mga mata niya nang makita niya kung sino ang kasayaw ko kaya pinandilatan ko siya ng mata dahil baka malaman ni James 'yon. Naalis naman ang tingin ko sa kaniya nang muling magsalita si Tristan.
"Your dress doesn't suit you well," he said.
Muli akong napatingala sa kaniya at agad ding yumuko para tignan ang suot kong damit.
"What's wrong with my dress?" busangot na tanong ko sa kaniya.
Feeling ko pa naman ang ganda-ganda ko ngayong gabi, tapos sa paningin niya hindi pala ako maganda?!
"It's too revealing," sagot niya.
Agad naman nawala ang simangot sa muka ko dahil agad napalitan 'yon ng ngiti. Hindi ko naiwasang kiligin dahil ganitong-ganito ang mga lalaking nababasa ko sa mga libro!
"This is not too revealing. Ang ganda ko kaya rito!" makapal na mukha kong sabi.
Natawa siya at napailing kaya parang kinikiliti na naman ako.
"Kids like you don't wear dress like that," sabi niya.
"Hoy! I'm not a kid anymore. Eighteen na ako," supladang sabi ko sa kaniya.
Pakiramdam ko tuloy ay habang patagal nang patagal ay kumakapal ang mukha ko kapag kaharap siya. Natutuwa rin ako dahil hindi na siya katulad noon na sobrang suplado kung makatingin sa akin at halos hindi ako kausapin.
"You're still a kid for me," seryosong sabi niya.
Tinaasan ko siya ng kilay. Dalagang-dalaga na akong tignan ngayon at kung ikukumpara ako kay Francine ay mas dalaga pa ang katawan ko kaysa sa kaniya.
"I'm not a kid anymore. Stop it," sabi ko dahil hindi ko nagustuhan ang sinabi niya.
Hinanap ko si Kyle at nakita kong nagsasayaw sila ni Francine. Nag-uusap sila ngayon at nagtatawanan. Hindi ko tuloy napigilang pasadahan ang mukha at katawan ni Francine, matangkad siya at nagagandahan ko siya.
"Jealous?" muling tanong ni Tristan
Agad naman akong napatingin sa kaniya. Hindi naman ako nagseselos ah? Oo alam kong maganda si Francine pero mas maganda ako sa kaniya kaya hinding-hindi ako magseselos!
"Bakit naman ako magseselos? Bagay nga kayo e," sambit ko at muling tinignan si Francine.