Chapter 7

2155 Words
Inilahad niya ang telepono sa akin. Huminga ako ng malalim at busangot kong kinuha iyon. Siguro sesermonan niya ako tungkol sa ginawa ko kagabi kay Vanessa. "Excuse me," tumayo ako at umalis doon. Nagpunta ako sa swimming pool area para doon makausap si Daddy. "Dad-" "Cheska, I heard what you did to Vanessa, last night," mahinanong sabi ni Daddy. Sinasabi ko na nga ba, sesermonan niya lang ako. Hindi ko alam kung ilang beses na akong umirap. Ang aga-aga ay pinakukulo ng babaeng 'yon ang dugo ko! Ang kapal niyang magsumbong! "I'm not gonna do that to her if she didn't make scandal here, Dad." Mahinahon na sabi ko dahil ayokong sirain ang araw ko. "I know Cheska, pero sana hindi mo na lang ginawa 'yon," sagot ni Daddy. "Binabastos niya ang mga maids dito at hindi ako papayag sa ginagawa niya. Isa pa, wala siyang karapatan dito!" sabi ko at hindi napigilang itago ang pagkairita. "Okay sweetie, hindi kita pinapagalitan. Sinabihan ko na rin siya na huwag ka ng guluhin– and I just wanna ask if how are you? Hindi mo sinasagot ang mga tawag ko," sunod-sunod na sabi ni Daddy. Napabuntonghininga ako ulit. Hindi ko sinasagot 'yon dahil alam kong galit siya sa akin sa ginawa ko kay Veronica. Dapat lang sa babaeng 'yon at kung hindi pa titigil ang anak niya na bwisitin ako ay hindi lang iyon ang mapapala nila! "I'm just busy, Dad." I said. "Can we eat dinner tonight? I really missed you anak," tanong niya at ramdam ko ang lungkot sa boses niya. I bit my lower lip. Ako rin naman miss na miss ko na siya, pati na rin si Mommy. Kaya lang ay lumalayo ang loob ko kay Daddy kapag nakikita kong magkasama sila ni Veronica. Kahit kailan ay hinding-hindi ko matatanggap ang babaeng 'yon. "Okay Dad, just send me the location." Natapos rin ang pag-uusap namin kaya bumalik na ako sa loob. Hindi pa sila tapos kumain at nagku-kwentuhan pa sila sa lamesa. Nagtama ang paningin namin ni Riva, alam ko ang nasa isip niya kaya mabilis akong umiling. Hindi naman nagalit si Daddy sa akin at hindi rin kami nag-away kaya bumalik na kaagad ang mood ko. Nang tumama ang tingin ko kay Tristan ay nakita ko siyang nakatingin sa akin pero agad din siyang nag-iwas ng tingin. Naagaw naman ng atensyon ko ang pagkukunwaring ubo ni Milan at nang tignan niya ako ay pinanlakihan niya ako ng mata at nginuso ang sweater na suot ko kaya inirapan ko lang siya. Hindi rin nagtagal nagpaalam na ang mga boys na uuwi na. Kinausap ako ulit ni Kyle tungkol sa birthday niya at ngayon ko lang nalaman na formal party 'yon. Hinatid ko sila hanggang labas, gusto ko sanang makausap si Tristan para ibalik ang sweater niya pero nahihiya ako dahil baka kung anong isipin nila. Nagtama ang paningin namin bago siya tuluyang makapasok sa sasakyan. "Una na kami, tsaka mo na lang isoli 'yan, thank you," mahinang sabi niya. "S-sige. Ingat kayo," sabi ko at tumango bago ako kumaway sa kanila . Nanghihinayang si Milan dahil bitin daw. Si Riva naman ay tuwang-tuwa dahil kinakausap na raw siya ni James. Tatalikuran ko na sana sila pero hindi ako kaagad nakatakas sa kanilang dalawa "At saan ka naman pupuntang gaga ka? Bakit suot mo 'yang sweater ni Tristan?" agad na tanong ni Milan at pinanliitan pa ako ng mata. Alam ko na ang iniisip ng baklang 'yan kaya inirapan ko siya at nilampasan, pero agad niya akong hinila. "Tatakas kapa gaga!" natatawang sabi niya hilahin ako pabalik kaya hindi ko napigilan na matawa rin. Natawa si Riva sa gilid namin habang pinapasadahan ang suot kong sweater. "Sinisimulan mo na pala 'yang kakirihan mo. Nakikita ko mga tingin mo sa kaniya, Cheska. Landing 'to!" pang-aasar niya sa akin. Hindi ko na napigilang humalakhak sa reaskyon siya. Oo na inaamin ko na pero alam ko naman na hanggang crush lang ako sa kaniya ngayon! "He saw my n*****s earlier! Manipis ang suot kong damit at wala akong suot na bra," pagpapaliwanag ko sa kanila. "Oh my goshh!" sabay nilang sabi at nagtatalon pa. "Gaga! Sinadya mo 'yon ano?" Pag-aakusa sa akin ni Milan. "Sige Cheska, support ka namin wag ka mag-alala hindi namin sasabihin. Akitin mo lang siya!" niyugyog ako ni Riva na tila ba tinutulak niya talaga ako sa kalandian nilang dalawa ni Milan. "Of course not! Hindi ko lang alam na natulog pala sila rito kagabi," pagdedepensa ko sa sarili. Nakakahiya kung may makarinig doon dahil wala naman talaga akong balak akitin si Tritan kahit may gusto pa ako sa kaniya.Inasar lang nila ako sa araw na 'yon kaya inaya ko silang bumili ng susuotin para sa birthday ni Kyle bukas, natahimik naman sila at tuwang-tuwa dahil ililibre ko sila. Mamaya rin kasi ay makikipag kita ako kay Daddy. I'm just wearing a black romper dress and white shoes. Nagpahatid kami sa driver papuntang mall at agad na naghanap ng pwedeng suotin bukas. Sa totoo lang ay sobrang dami ko pang bagong damit pero gusto ko ulit bumili ngayon. "Bakit walang gwapo ditey?" pagrereklamo ni Milan. "Bukas ka maghanap. Sure ako maraming bisita si Kyle," pagsusuporta naman ni Riva. "Walang mas gu-gwapo kay Tristan," sabi ko habang nagtitingin ng mga dress. May napili na kaagad ako, it's just a black halter body-con dress, kaya ko naman mag dala ng damit kaya mabilis lang akong nakakapili. Humiwalay ako sa dalawa nang may makita akong magandang dress sa dulo. Bibilhin ko 'yon kahit may nagustuhan na akong isusuot ko para bukas. "Ang dami naman niyan? Susuotin mo lahat 'yan bukas?" sabi ni Milan nang makita niya ang mga damit na hawak ko. "Bakit 'yan lang ang kinuha niyo? Kakaonti 'yan! Kumuha pa kayo!" reklamo ko nang makita kong dalawang pares lang ang kinuha nila. Nasa counter na kami at wala pa sa kalahati ng binili ko ang binili nila. "That enough, Cheska. Baka pagalitan na namana ko ni Mommy," sagot ni Riva at napanguso. Napailing na lang ako isa-isang inilapag ang mga damit na nabili ko sa counter. "Oh my gosh! Bakla wag kang lilingon masasaktan ka," bulong ni Milan habang sinisiko ako. "Huh? Saan?" nagtatakang tanong ko habang inaabot ko sa cashier ang credit card ko. Tumalikod ako kaagad para makita kung anong sinasabi ni Milan habang hinihintay ibalik ang credit card ko. It was Tristan with a girl, mas matangkad sa akin ng kaonti at morena. Para siyang model at ang ganda niya sa simpleng pants at shirt na suot niya. Sabay silang pumasok kung nasaan kami, pero bago pa magtama ang paningin namin ni Tristan ay agad na akong humarap sa counter para makuha ang pinamili. "Sabi sayo huwag kang lilingon e," bulong ni Milan. Hindi naman ako nasaktan pero may kaonting kirot lang naman sa puso ko lalo na nang ma-realize ko kung sino ang babaeng kasama niya. "Capt!" ang malandi kong kaibigan ay talagang tinawag pa! Halos kumalabog ang puso ko at hindi na alam ang mararamdaman. "Amber? Wait.. Milan?" narinig ko ang boses ni Tristan galing sa likuran. "Thank you," sabi ko sa cashier at kinuha na ang pinamili. Hindi ko rin alam kung haharap ba ako sa kanila o hindi. "Capt, ikaw pala!" patay malisyang sambit ni Milan. "Cheska? It's that Cheska?" tanong niya. Halos maestatwa ako sa pagkakatayo at nagtingin pa kunwari ng mga item na nasa counter. Bakit ba kasi ang bilis ni Ate mag-punch e, pusang gala! "Ah oo. Cheska," tawag sa akin ni Milan at kinalabit pa ako na akala naman hindi ko sila naririnig. "H-Hi!" nauutal na bati ko nang tuluyan na akong humarap. Napatingin siya kaagad sa mga hawak ko at mukhang napansin naman ni Milan 'yon kaya agad kinuha sa akin. Hinanap ko naman kaagad ang kasama niyang babae pero wala na ngayon sa tabi niya at nakita kong nagsusukat na siya ng damit. Nang magtama ang mga mata namin ni Tristan ay bahagya lang siyang ngumiti. Hindi ko na rin alam ang sasabihin ko. Gusto ko na lang umalis at mukhang naramdaman naman ako kaagad ni Milan. "Ah sige Capt, una na kami. Puntahan mo na girlfriend mo," pagbibiro ni Milan. Tristan's chuckled and nodded, nauna na akong umalis doon dahil hindi kinakaya ng puso ko. Bakit ba feeling ko broken hearted ako e crush ko lang siya? Pero ang sabi niya kasi wala siyang girlfriend! Pero bakit kasama na niya si Francine? Sila na ba? Gosh!Hindi ko na rin alam. "Okay ka lang gurl?" tanong sa akin ni Milan nang sundan nila ako palabas ng store. "Of course yes, duh?" sabi ko at umirap kahit hindi naman niya 'yon nakikita. "Hindi nga halata na okay ka," sabi ni Riva at bahagyang natawa. "Selos ka gurl?" pang-aasar sa akin ni Milan pagkatapos ay humalakhak. "Suplada pala 'yong si Francine? Hindi niya man lang tayo binati!" pagrereklamo ni Riva. "Gaga! Babatiin niya tayo kanina kaya lang pinauna na siya ni captain. Nakita ko yun," sagot ni Milan. Patuloy lang ako sa paglalakad papunta kung saan kami magkikita ni Daddy. Doon din kasi ang daan palabas kaya nakasunod pa sa akin ang dalawa. "Cheska, huwag kang malungkot! At least nasilayan naman niya 'yang n*****s mo," biglang tumabi sa akin si Riva at kiniliti ako habang humahagikhik. Agad nag-init ang pisngi ko dahil sa kabastusan ng mga kaibigan ko. "Shut up. Naiinis ako," pagsusungit ko sa kanila. Humalakhak si Milan at tumabi na rin sa gilid ko. Ang isang kamay niya ay pinalupot sa braso ko at bawat lakad niya ay tumatama ang pwitan niya akin. "She's a scholar too. Sana all maraming budget! Hindi ko kayang bumili sa store na 'yon," pag-iiba ng usapan ni Milan. I know Francine, maganda at matalino siya kaya nga siya nagustuhan ni Tristan. Ang alam ko ay sa probinsya siya nakatira at mahirap lang. "I heard from Kuya, birthday ni Francine next month. Si Tristan yata ang magbabayad sa bibilhin niya ngayon," sunod-sunod na sabi ni Riva. Napairap na lang ako sa kawalan. Pati ba naman iyon ay pagchichismisan nilang dalawa. "Don't be sad, Cheska. Don't worry, mas maganda ka sa kaniya." pampalubag loob ni Milan "Oo na. Umuwi na nga kayo!" pagtataray ko sa kanila nang mahinto kami sa labas ng restaurant Mabuti na lang hindi na nila ako inasar pa at tuluyan na silang umalis bitbit ang pinamili namin. Six pm lang at six thirty pa ang pagkikita namin ni Daddy kaya nag ikot-ikot muna ako. Naisip ko rin na bilhan ng regalo si Kyle bukas kaya lang hindi ko alam kung ano ang bibilhin ko sa kaniya. Nagsayang lang ako ng kalahating oras doon nang walang nabibili kaya agad akong pumunta sa restaurant na sinasabi ni Daddy dahil naroon na raw siya. I ordered broiled steak and pineapple juice at ganoon din ang kay Daddy. Dinagdagan ko lang ng dessert dahil pakiramdam ko ay kailangan ko ng matamis ngayon dahil nawawala ang energy ko. "How are you?" Daddy asked. "I'm good, Dad. Ikaw? How's your health?" tanong ko rin. Unti-unti na rin akong nakakarecover sa sakit na nararamdaman dahil sa pagkawala ni Mommy pero hindi pa rin maiaalis sa akin ang pangungulila. Isa 'yon sa mga dahilan kung bakit sinusubukan kong ibalik ang loob ko kay Daddy. Oo masakit pero wala na akong magagawa dahil nangyari na ang lahat. "I'm healthy sweetie, can you visit to our company when you have time? May ituturo at ipapakita sayo," tuloy-tuloy na sabi ni Daddy. "No need Dad. Alam ko naman na hindi rin sa'kin mapupunta 'yon," sagot ko at nagkibit ng balikat. Kahit 'yon ang bilin sa akin ni Mommy, sa tingin ko hindi mapupunta sa akin 'yon. Ayoko nang umasa dahil alam kong mas mahal niya si Veronica. "Anak sa'yo 'yon. Matagal na naming plano ng Mommy mo iyon," paliwanag niya. Umiling ako dahil hindi ko na alam ang sasabihin ko. Isa pa, ayoko munang isipin dahil kapag iniisip ko 'yon ay pakiramdam ko mawawala sa akin si Daddy. Nagkwentuhan lang kami roon at pumayag na lang ako na sa akin ang kompanya para matigil na si Daddy. Sinabi niya rin na naglagay na naman siya ng pera sa bank account ko. Hindi naman talaga ako pinapabayaan ni Daddy at talagang hindi niya inalis ang mga kasambahay sa mansion para lang may makasama at tumulong sa akin doon. "Dad, anong magandang iregalo sa lalaki?" tanong ko dahil hanggang ngayon hindi pa rin ako nakakabili ng regalo para kay Kyle. "Why? Don't tell me you have a boyfriend? Cheska-" I cut him off. "Dad I don't! It's my friend okay?" sabi ko at napabuntonghininga. Para bang nakahinga nangg maluwag si Daddy at tumango, alam kong hindi pa niya gusto na mag-boyfriend ako dahil kakalegal age ko lang bago namatay si Mommy. "Good. Maybe you can buy him shoes?" Dad suggested. "Exactly! He's a basketball player," sabi ko at agad akong tumango. Bakit hindi ko naisip 'yon?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD