Kahit na dalawang araw lang ang lumipas para sa kasal na gaganapin namin ni Tristan ay naging mahaba rin preparasyon namin doon. Hindi ko alam kung bakit ako kinakabahan ngayon lalo na at alam kong kami-kami lang naman ang naroon sa magaganap na kasal namin ni Tristan. Si Vince at Francine ang nag-asikaso sa mga isusuot namin at nasabihan ko na rin ang dalawa kong kaibigan na sumabay na kila Vince kapag pumunta rito. Marami silang tanong sa akin pero wala na akong oras para sagutin pa 'yon dahil nga inaasikaso ko ang magiging set up ng kasal namin ni Tristan. "How's my beautiful wife?" tanong ni Trisan pagkatapos ay agad kong naramdaman ang dalawa niyang kamay na pumulupot sa bewang ko. Ito ang huling araw ko sa pagb-bake ng cake para bukas dahil masyado nang matrabaho para sa mga kaibi