"We will be back in two days. Simple lang naman ang magiging kasal niyo at kapag balik na lang sa manila tsaka kayo ulit magpasakal," sunod-sunod na sabi ni Atty. Mendez. Umaga na at ngayon din sila uuwi dahil kailangan na rin daw umuwi ni Atty. Mendez. Kasal kasi ng anak niya at ayaw pa nga siyang paalisin ng mga ito pero nagpumilit lang daw siya dahil hindi na rin daw siya makapaghintay pa ng mahabang araw para makita ako. Isa rin pala na naging dahilan kung bakit matagal siyang hindi nagpakita sa akin ay dahil nagkasakit siya at ngayon lang ito naka-recover. "Thank you so much, Atty. Hindi ko alam kung paano ako magpapasalamat sa'yo," sabi ko at yumakap sa matanda dahil nakikita ko sa kaniya si Daddy. "No worries, hijah. Kaibigan ko si Luis at ibinilin ka niya rin talaga sa akin noo