Itinago ko ang kuryusidad sa mukha ko at dumiretsyong pumasok sa room at naupo sa dati kong inuupuan. Napatingin ako sa mga kaklase ko at nakita kong may ginagawa na sila. "Ano'ng ginagawa niyo? Why is he here? Nasaan si Mr. Santos?" sunod-sunod na tanong ko kahit hidi pa ako nakakaupo. "I can see in your face that you are confuse Ms. Montanez. Ako ang pinadala ni Mr. Santos para bantayan ang klase niyo," paliwanag ni Tristan sa harapan. Pinigilan ko ang sarili kong mapairap at napaupo na lang sa upuan. Alam kong madalas magpaganito si Mr. Santos sa mga favorite students niya sa fourth year pero hindi ko inaasahan na mangyayari rin ito sa amin! "We are doing activities and since you're late, I think hindi mo kayang tapusin on time." sabi ni Tristan at nagkibit ng balikat. "I can finis