Hindi ko binuksan ang message sa akin ni Tristan pero nabasa ko 'yon. Wala rin naman akong balak buksan at reply-an siya. Wala naman na kaming dapat pag-usapan at ayoko naman ng ipilit ang sarili kong paliwanag kung hindi niya naman ako pakikinggan. Ayoko na rin makarinig pa ng mga masasakit na salita mula sa kaniya dahil hindi ko na alam ang gagawn ko. Nagpakalasing ako at umiyak dahil doon at ayoko nang maulit pa 'yon ngayon. Itinago ko na lang ang phone ko ulit sa pouch para hindi na makatanggap pa ng message mula sa kaniya. Ayoko naman siyang i-block dahil sigurado akong laking panghihinayang ko kapag ginawa ko 'yon. Kita ko sa peripheral vision ko ang pagtayo niya kaya muli na namang kumalabog ang puso ko lalo nang maramdaman kong sa gawi ko siya papunta. Inilibot ko kaagad ang mga