"Ano'ng libre? Utang 'yan!" pabirong sabi niya. Sinimangutan ko siya at pinagpatuloy ang paglalakad pabalik sa bar. Sigurado akong hinahanap na ako nila Riva at Milan, baka nga rin si Kuya Rafael ay nag-aalala na dahil bigla akong nawala roon. "Sige, ililibre kita kapag nagkita tayo ulit." sabi ko para lang matigil ang kasama kong 'to. Natawa siya at mukhang malaking achievement niya 'yon kaya napairap na lang ako at natawa na rin. "Sino ba mga kasama mo? I didn't know that you're also friends with Adrian," sabi niya. "Ah yeah. I'm with my friends, kapatid ni Kuya Rafael." sagot ko at nagkibit ng balikat. Kaonti na lang ang tao sa street na pinaglalakaran namin at nakakarelax din dahil sa simoy ng hangin. Nagkwentuhan lang kami ng mga kung ano-ano habang naglalakad kami. Ang sabi