Francheska's PoV Ramdam kong lasing na ako dahil kung ano-ano'ng alak na ang nainom ko. Kung kani-kanino na rin ako sumama dahil hindi ko makita sila Riva at Milan. Ayoko namang bumalik sa table kung saan ko sila iniwanan kanina dahil sigurado akong naroon si Tristan at Francine. "Ouch!" reklamo ko nang tumama ang ulo ko sa isang lalaki habang naglalakad. Pakiramdam ko ay hindi ako makahinga sa loob kaya minabuti kong lumabas muna ng bar. Masiyado na rin kasing mainit doon at naiinitan ang katawan ko dahil sa alak na nainom. May iilang tumawag sa akin doon nang makita akong lumabas pero kinawayan ko lang sila at itinuro ang labas. Nakalma ko na rin ang sarili ko galing sa pagkakaiyak at kung ano man ang sinabi sa akin ni Tristan kanina ay wala na akong magagawa roon. Kahit naman ano'n