Kumain lang kami sa araw na iyon at tsaka ko lang nalaman na talagang nagkataon lang ang pagkikita ng grupo ko sa grupo nila Zayne. Hindi naman na niya ako kinulit pa dahil na rin siguro nakita niyang kasama ko si Tristan nang bumalik kami sa loob nang magkahawak kamay. Ang sabi ni Kuya Rafael ay overnight lang sila Zayne roon kaya medyo gumaan din ang pakiramdam ko para wala na kaming pag-awayan pa ni Tristan. Makulit din kasi talaga si Zayne at wala naman akong nakikitaan na malisya sa kaniya dahil tingin ko ay ganoon siya sa lahat ng mga kaibigan niya. Nag-swimming kami sa araw na 'yon kasama ang mga kaibigan ni Zayne. Tanging kaway at ngiti lang naman ang naigagawad namin sa isa't-isa. Ang mga kaibigan naman niyang babae ay nakikipag-usap na kila Kuya Rafael kaya mas naging maganda a