After one week) Naging maganda ang staycation namin sa tagaytay. Nag-extend din sila Zayne roon dahil ayaw silang pauwiin ng mga kaibigan ni Kuya Rafael. Kahit naroon naman si Stacey ay hindi kami nagpapansinan, hindi na rin naman siya nakikiepal sa akin dahil na rin siguro hindi na ako nilalapitan ni Zayne. Mabuti na rin 'yon para naman wala ng gulo sa amin dahil sawang-sawa na rin akong makipag-away. Nang bumalik ulit sa normal at kinailangan na naming bumalik sa pag-aaral ay mas lalong naging abala si Tristan. Graduating na kasi sila at kailangan na magseryoso ulit dahil tapos na ang midterm naming lahat. Hindi na rin ako ginugulo pa ni Vanessa kaya naging maganda rin ang pagbabalik ko sa pag-aaral pagkatapos ng tatlong araw naming bakasyon ng mga kaibigan. Siguro ay napagsabihan na