Hindi humiwalay sa akin si Tristan hanggang sa pagpunta namin sa venue kung saan gaganapin ang party ni Daddy. Buti na lang talaga ay nataon na Friday ang birthday ni Dad dahil kahit gabihin kami ngayong magkakaibigan ay walang magiging problema at walang pasok kinabukasan. "I like your dress. Its suits you gorgeously," muling puri na naman sa akin ni Tristan. "Kanina mo pa ako binobola ha!" natatawang sabi ko sa kaniya. Maraming tao sa labas ng hotel kung nasaan ang party ni Daddy at may mga media rin doon. Papasok pa lang kami sa entrance ay agad na kaming sinalubong ng mga bodyguards ni Daddy dahil agad akong nakita ng mga ito. Nakakapit lang ako kay Tristan at sumenyas sa mga bodyguards na hindi ko na kailangan pa ng escort dahil kasama ko naman si Tristan. "The one and only daught