"What are you doing ba, Tristan? Baliw kana ba?!" pagtataray ko sa kaniya habang pilit na kumakawala sa pagkakawahak niya. Gusto ko lang naman mapag-isa ngayon kaya umalis ako sa table namin. Isa pa may kaniya-kaniya silang sariling mundo roon at hindi ako makasabay dahil alak ang gusto kong atupagin ngayon. Kung hindi lang talaga nakakahiya kay Gilbert na magsama ako ng lalaki sa party niya ay sinama ko na sana si Vince! "Saan kaba kasi pupunta?" tanong niya at tuluyan na akong binitawan. "Gusto ko lang mapag-isa! Puntahan mo si Francine dahil siya ang girlfriend mo," sunod-sunod na sabi ko sa kaniya. Hindi ko alam kun napapano ba si Tristan ngayong gabi. Kasama namin dito si Francine pero heto siya at sa akin nakasunod. Paano na lang kung may makakita sa amin dito at ipaalam kay Fran