Masaya kong hinehele si Zion dito sa Teresa habang tinitingnan ko sina Ziel at ang dalawa niyang kaibigan sa baba na nag-iinuman. Tawa sila nang tawa na ewan kung ano ang kanilang pinag-uusapan. Angat sa kanila ang tawa ni Ziel na parang musika sa aking pandinig. Napangiti tuloy ako at bahagyang kinilig. I never thought that I could feel unlimited happiness beside him. Simula nang magpasiya akong sumama sa kanya ay hindi na natapos ang aking saya sa piling niya. Sumisingit na lang minsan ang lungkot sa akin kapag naiisip ko na until now ay wala pa rin akong naaalala. Tinigil ko naman na ang pag-inom sa gamot na ayon kay Lola ang siyang dahilan upang mas hindi ko maalala ang mga nangyari sa akin noon. Kung hindi pa ako pinatingnan ni Ziel sa tita niya ay hindi pa namin malalaman na hi