Sabay kaming pumasok ni Fionah sa school. Sampo ang pinasama sa amin ni Papa na bodyguard. Hindi naman sila didikit sa amin kung saan man kami magpunta. Bale, magmamasid lang sila sa paligid kung saan man kami magtungo ni Fionah. Wala sa parking lot ang sasakyan ni Xenon nang dumating kami. Bakante ang space nito na nakatalaga para sa kanya lang. Nakahinga ako ng maluwag sa kaalamang wala pa siya rito sa HU. Hindi naman ako takot sa kanya, gusto ko lang mag-ingat dahil hindi ko hawak kung ano man ang tumatakbo sa isipan niya. He is crazy like his father. Kaya naman pinag-iingat kaming mabuti ni Papa at Mama. Baka bigla na lang bumulaga sa harapan namin si Xenon at bigla na lang niya kunin sa akin si Fionah. Ito ang kinatatakutan ko, ayoko ng mawalay muli kay Fionah. Tama na ang isang ta