Hindi natagpuan ng mga tauhan ni Ninong Travis si Fionah. Maging ang mga pulis ay walang lead kung saan dinala ni Xenon si Fionah. Mabilis silang nakalabas ng lugar namin nang araw na 'yon at mukhang pinlano talaga ni Xenon ang lahat upang hindi ko mabawi kaagad si Fionah sa kanya. Napakatinik ng lalaking 'yon. Nasalisihan niya ako at ang mga tauhan ko naman ay mga palpak na nagbantay sa kanya. Akala ko pa naman kaya nilang ipagtanggol si Fionah kahit kapalit ang buhay nila. Ngunit sadyang desidido lang siguro si Xenon na makuha si Fionah kaya naman nagawa nilang patumbahin ang lahat ng mga tauhan na pinahiram sa akin ni Papa. Inikot ko ang alak na nasa hawak kong baso. Panglimang shot ko na 'to pero hindi ako malasing-lasing. Hindi rin ako makatulog dahil sa patuloy kong pag-iisip ng so