Pinunasan ko ang aking bibig pagkatapos kong sumuka. Kaagad akong nagmumog nang makasiguro na ako na maayos na ang aking pakiramdam. "Salamat, baby." Bulong ko sa aking isipan nang makisama na naman sa akin ang batang nasa aking sinapupunan. Hinaplos ko ang aking tiyan bago ako lumabas ng banyo at muling nahiga sa kama. Akala ko tuloy-tuloy na ang aking pagsusuka dahil sumasama na palagi ang aking gising sa umaga. My baby is three months old now in my tummy and I am afraid that Xenon would discover it anytime. Naisip ko, hindi niya malalaman dahil hindi pa naman malaki ang umbok sa aking tiyan. Pero palagi akong tulog maghapon at baka ito ang mapansin niya sa akin kapag nagkataon. Mapili rin ako sa pagkain at may mga pagkain na hinahanap ang aking bibig. Tumingin ako sa lalaking nakahi