Matulin ang pagtakbo na ginagawa ko habang walang lingon-likod akong lumalayo sa lugar na 'yon. Abot ang kaba sa aking dibdib at nananalangin na hindi ako matatagpuan ng mga taong humahabol sa akin. Katapusan ko na kapag nahuli nila ako! "Miss!" tawag ko sa isang babae na natanawan kong may suson na basket sa kanyang ulo. Parang nakita ko na siyang dumaan kanina malapit sa pinaghintuan ng sasakyan na sinakyan namin ni Xenon. She is the same girl I saw earlier. "Ano ang maipaglilingkod ko sa iyo, Miss?" tanong niya sa akin. Binaba niya ang suson niyang basket at hinarap ako. "May iba pa bang daan para makalabas sa lugar na 'to?" natataranta na tanong ko. Panay ang tingin ko sa lugar na dinaanan ko at baka matunton na ako ng mga taong humahabol sa akin. "Wala, Miss. Kung saan kayo dum