Gagap ko ang palad ni Fionah mahabang malungkot akong nakatingin sa kanya. Narito kami sa hospital at hanggang ngayon ay hindi pa siya nagigising. Napilitan akong dalhin siya sa hospital dahil baka kung napaano na siya. Matindi ang histerikal niya kanina at sobra siyang takot na takot. Pagkatapos niyang maghisterikal kanina at pagkamalan niya akong si Xenon. Nawalan siya ng malay pagkatapos na sumakit ng matindi ang kanyang ulo. At heto nga dinala ko siya sa hospital kahit may posibilidad na awayin niya ako. Nilingon ko ang bumukas na pinto at nakita kong si Mama at Shayne ang sumungaw sa pintuan. "Ziel…" pagtawag ni Mama sa pangalan ko. "Ma…" wika ko habang malungkot na ngumiti. Marahan kong binitiwan ang kamay ni Fionah at umalis sa tabi niya. I let my mother go near her, kita ko sa