Walang pagsidlan ang kaligayahan na aking nadarama. Sa wakas nagbunga na ang matagal ko ng hinihiling. She is pregnant and I can't wait for her tummy to become bigger. Naisip ko nga pumalya na ang pagiging sharp shooter ko dahil medyo natagalan ng kaunti bago nabuntis si Fionah. Wala na, talo na si Xenon. Sabi ko na, kami talaga ang nakatadhana sa isa't isa ni Fionah. Kahit anong gawin niya, sa akin pa rin babalik ang mahal ko. "Eat more fruits, babe," ungot ko kay Fionah habang magkaharap kami sa hapag-kainan. Puro karne kasi ang kinakain niya at hindi ito maganda sa kalusugan niya at ng baby. Mas maganda kung fruits and veggies ang kainin niya para mas maraming sustansiya. "Mamaya na, Ziel. Umay na ako sa gulay at prutas," reklamo niya. Ang nguso niya ay nanghahaba at masakit ang tin