GINO SANDERSON'S POV "Totoo? Magka-partner kayo ni Cheska sa project? Francheska Guerrero?" Hindi ko siya nilingon at pinirmi ang mata sa hawak kong dyaryo na binabasa ko bago siya dumating. Dire-diretso si Justin sa pagpasok at umupo sa tapat ng sofa na inuupuan ko. Nakipag-usap ito kay Xan sandali bago humarap ulit sa akin. "Ang sabi sa chismis ay ginaya mo raw ang sagot niya sa prof niyo kanina. 'Wag mo sabihing pati iyon ay totoo?" Umiling-iling ako at nagkunwaring walang naririnig. Kunwaring naka-focus ako sa binabasa pero ang totoo ay lumilipad na ang isipan ko sa babaeng kanina niya pa binabanggit. Francheska Guerrero. Every man's ideal girl. Paano ko nalaman? Halos araw-araw ko ba naman naririnig ang pangalan niya mula sa iba't ibang grupo ng kalalakihan. Maski ang ibang babae