GINO SANDERSON'S POV *The day of the accident* Una kong tiningnan ang cellphone ko pagkagising. Nakapatay iyon. Na-lowbatt nga pala kagabi at hindi ko na nai-charge. Sinaksak ko iyon bago naghanda para mag-exercise. The house is small yet complete. May gym room din at doon ako nagpunta para mag-exercise. "Good morning, daddy." Lumapit ako kay Xander at ginulo ang buhok niya. Nagkukusot pa ito ng mata at kalalabas ng kwarto, sakto ring lumabas ako ng gym. "What do you want for breakfast?" "Hmm," umakto siyang nag-iisip. "Pancake!" "Okay. Let's go." Hinawakan ko ang kamay niya at sabay kaming bumaba ng hagdan. Holding his hand reminds me of the incident a few years ago. He's my only hope that time. The only light that I see despite the darkness of everything. Kung wala si Xan ay baka