"Miss, nasaan po yung patient dito?" nagmamadaling tanong ko sa nurse na dumaan. Tiningnan niya ang room number at bahagyang nag-isip. "Si Mr. Sanderson po ba, Ma'am?" I nodded. "Ah nasa--" "Ate, may nagpapabigay po sa inyo," singit ng isang bata. "Nurse, pwede po ba patulong. Emergency lang." Nagmamadaling umalis ang nurse at naiwan ako roon na hindi man lang nasagot ang tanong. I sighed. Kinuha ko ang papel na ibinigay ng bata kanina. Ano naman kaya ito. Ibinulsa ko iyon saka umupo sa may sofa sa loob ng dating room ni Gino. Imposibleng nakalabas na siya ng hospital. Hindi pa siya nagigising kaya hindi nila iyon ilalabas basta-basta. My last resort was to call Justin. Pero ang loko, hindi ko ma-contact. O baka nandito rin siya sa hospital. Mas lalo tuloy akong kinabahan. Nag-text