"Kumusta na si Gino, Cheska?" Malungkot akong ngumiti kay Monica. Isa lang siya sa maraming nagtatanong ng kondisyon ni Gino. Pumasok na ako ngayong Myerkules at dadaan na rin ako maya-maya sa faculty para kausapin ang mga prof ni Gino. Hanggang ngayon ay hindi pa rin siya nagigising. Hindi ko rin alam kung bakit. The doctor is yet to find out the reason, too. Pero umaasa kami na gigising na siya bago pa matapos ang linggong ito. Or else, his condition might be worse than what the doctor has expected. "Hindi pa rin gumigising," malungkot na sagot ko. Ilang araw na rin akong walang sapat na tulog at walang gana sa pagkain. Puro tubig na lang ang laman ng tiyan ko pero hindi ko ramdam ang panghihina o pagkagutom. Hindi ko alam kung kailan gigising si Gino o kung kailan siya gagaling pero