"Naku! Mabuti na lang at naihinto niya pa ang sasakyan bago siya mahimatay."
"Sino ang nakakita?"
"Ang delikado ng ganoon. Dapat ay hindi na nagda-drive kapag inaantok o masama ang pakiramdam."
Dahan-dahan akong nagmulat ng mata. Nagising ako dahil sa bulungan ng mga tao sa paligid. Ano ba ang pinag-uusapan nila?
White walls and ceilings...
Huh?
Biglaan akong umupo nang mapagtanto kung nasaan ako. Nasa hospital ako? What the heck am I doing here?
Nagsilapitan ang mga naroon sa akin. Ang pamilyar na mukha ni Miss Carlota ang unang bumungad sa akin. Nagtataka ko silang tiningnan isa-isa. I'm sure as hell that I am not sick. At mas lalong hindi ako naaksidente, walang masakit sa kahit anong parte ng katawan ko. Now, what happened?
"Ayos ka na ba? May masakit ba sa'yo?" Miss Carlota's voice is sweet and understanding. Bagaman mababakas sa tono niya ang pag-aalala.
Napakamot ako ng ulo habang iniisip kung ano ba ang nangyari. Nananaginip ba ako? The last thing I remembered...
Naalala ko lahat nang makita si Gino na kakapasok lang sa kwarto. Oh, great. Nakatulog ako sa daan? Naghimatay? Hindi ko alam. Baka sobrang pagod, stress, or dahil nagpuyat ako kagabi? Hindi ko alam.
"Sa susunod ay 'wag kang magda-drive kung inaantok ka o 'di maayos ang pakiramdam mo, hmm?" She smiled. "Oh, sige. Maiwan ka na muna rito para makapagpahinga ka."
"Ah... h-hindi na po. Uuwi na po ako."
"Sure ka?" Tumango ako. "Oh, sige. Pero kumain muna kayo. Labas na muna kami."
Kasama niyang lumabas ang ilan pang mga tao roon. Naiwan si Gino na seryoso lang ang tingin.
Tumayo ako at isa-isang kinuha ang mga gamit. Nanatili naman siya sa kanyang pwesto, nakatayo, at nagmamasid. Siya kaya ang nagdala sa akin dito? Bumalik pa siya, kung ganoon?
Tahimik lang kaming dalawa na lumabas ng room na iyon at sumabay kumain sa mga staff ng facility. Nagpaalam na rin kami agad dahil pareho rin naman kaming maraming kailangang gawin. Sayang at hindi ko nakita yung venue na sinasabi niya pero maaga pa naman kaya lang baka may iba siyang plans for today.
"Uhm," humarap ako sa kanya. "Nasaan ang sasakyan ko?"
"Hindi pa nila nakuha. Let's go. I'll send you home. Idadala na lang nila ang sasakyan mo roon sa inyo."
He did not even wait for an answer. Sumakay na siya sa sasakyan niya at iniwan ako sa labas, nalilito kung dapat ba na sumabay ako o hindi. Bakit hindi na lang namin daanan ang sasakyan ko para iyon na ang gamitin ko pauwi? Or iniisip niya ba na makakatulog ako ulit?
Napatalon ako nang bumusina ito. This guy really has no patience. What a temper!
Sumakay na lang ako sa passenger seat para matapos na ito. I thought it was that easy. Na uupo lang ako roon at hihintayin na makarating kami sa bahay pero hindi. I don't know why pero nagawa ko pang purihin ang loob ng sasakyan niya. It has a mint and very fresh scent like you are in a place far from the city, very relaxing. Not to mention his car's interiors. Different shades of black which compliments the whole inside of the car. Wala siyang aksesorya na naka-display. This man is really very plain and formal, but his taste is really exquisite, too.
Pasimple ko siyang binalingan. Dahil nagda-drive ito at ang kamay ay nasa manibela, hindi ko mapigilang hindi purihin ang kamay niya. Nag-gi-gym ba siya? Don't tell me literal na pag-aaral lang ang inaatupag niya? Para kasing wala siyang social life.
Sikat siya sa university pero wala ako masyadong alam sa kanya. Even my schoolmates, most of them, or maybe all of us don't know anything about this guy aside from his looks and his name.
His hand looks very manly. Bagay na bagay ang suot niyang rolex. Bumaba ang tingin ko sa sapatos na suot niya. I barely manage to check him out earlier. Now that I looked closely at it, everything about him is luxury.
"Nagli-lipstick ka?" kuryosong tanong ko.
Pulang-pula ang labi nito, tinalo pa ako.
"No," malamig na sagot niya.
So cold.
I have mixed emotions on this guy. Naiinis ako sa kanya, minsan natutuwa ako, minsan napupuno ng pagtataka, minsan nawe-weirdo-han, minsan nabibilib...
Pero ang kuryosidad ko ang may pinakamalaking ambag sa mga emosyon na iyon. I want to know him more despite of him pushing me away. Because he is different. The kind of person I wanna be friends with.
Mapili ako sa kaibigan at mas lalo na siya. Pero sa tingin ko ay mapagkakatiwalaan siyang tao especially that he has a limited number of acquaintances.
Pero syempre hindi ko sasabihin iyon sa kanya. Duh! Hindi pa rin ako nakakamove-on sa sinabi niya na ayaw niya ako maging kaibigan. Napangiwi ako nang maalala iyon. What a sharp tongue.
"Paano pala natin pupuntahan yung place na ire-rent?" I asked after a very awkward silence. "Pasensya na pala kanina. Napagod lang siguro ako kaya hindi kinaya..."
He nodded. "It's good that you pulled over. Yung tungkol sa place, ise-send ko na lang sa'yo ang mga pictures at address. You can visit it if you have time."
Ilang minuto pagkatapos no'n ay inihinto niya na ang sasakyan sa tapat ng bahay namin. I lead him the way, of course.
Ngumiti ako at nagpasalamat sa kanya habang tinatanggal ang seatbelt. Sa halip na sagutin ako ng 'You're welcome', ay tumango lang ito. Gaano ba kamahal ang bawat salita na lumalabas sa bibig niya? Ganyan na kaya siya talaga mula noon?
Pinanood kong umalis ang sasakyan ni Gino bago pumasok sa loob ng bahay. Good thing my parents are not around. Wala ako sa mood makipag-usap. I badly wanted to sleep.
The next day, Sunday, tinawagan ko si Alyanna para samahan ako sa place na sinasabi ni Gino. He texted me the address last night. Buti na lang at walang lakad si Alyanna kaya pumayag siya.
"Oh my gosh! Nakasakay ka sa sasakyan ni Gino?" she exclaimed right after I told her what happened yesterday.
Tiningnan ko siya ng masama. We took a cab today. Nakakahiya sa driver ang kaingayan niya. Mamaya pa kasi darating ang car ko at kapag hindi pa dumating ay dadaanan ko na lang mamaya. Siguro ay walang nakaharap kahapon.
"Sshh!"
Lumawak lalo ang ngisi niya at inilingkis ang kamay sa braso ko. "What if magka-inlove-an kayo ni Gino habang inaasikaso itong proyekto niyo? Hmm..."
Umiling-iling ako at tumingin sa labas ng bintana. Madami pa siyang sinasabi na pilit ko na lang hindi pinakinggan.
Mabuti na lang at nakarating din kami agad.
Bakante ang lugar. Maliit lang siya pero sa tingin ko ay ayos lang naman. Sapat siguro para sa limang set ng upuan at mesa. Walang kapintu-pintura. Bakit kaya walang nagre-rent dito, eh, maganda ang location? Malapit siya sa school at hindi rin naman kalayuan sa palengke.
"Ano ba ang plano niyo ni fafa Gino?" aniya sa pinakamakulit na tono. "Kailangan niyo mag-raise ng fund, 'di ba?"
"Hmm." Nilibot ko ang bawat sulok ng lugar. Mayroon na rin siyang CR, pero hindi rin maayos. "Wala pa namang final plan kaya hindi ko rin sigurado."
Maganda yung location pero ang pinoproblema ko ay ang pera. I can use my own money but... baka hindi pumayag si Ma'am Garcia. Isa pa, kung ilalagay ko lang din ang pera rito, bakit hindi ko na lang itulong, 'di ba?
Now that I'm seeing the pro's and cons... I'm not sure if this is still a good idea.
Tahimik ako buong araw dahil doon. Salita naman ng salita si Alyanna sa tabi ko pero wala akong oras para pakinggan ang mga kwento niya. I need to plan, a specific and concrete plan.
I texted Gino that day but he didn't reply. Maski sa text, cold.
"Oh? Bakit ang aga mo?"
Humalik ako sa pisngi ni mommy at sunod kay daddy. "May kailangan po akong gawin sa school. I'll go now."
"Hindi ka pa kumain, Cheska," ani daddy.
"Dadaan na lang ako ng coffee sa Starbucks, dad." Itinali ko ang sintas ng suot na sneakers bago tumayo at muling humarap sa kanila. "I'll go now."
"Mag-iingat ka," sigaw ni mommy na hindi naman kalakasan. "Umuwi ka ng maaga at uuwi ang ate mo."
"Okay, mom--" Natigilan ako sa paglakad at napabalik sa dining. "What?"
Nagkatinginan silang dalawa at humarap sa akin ng may ngiti sa mga labi. My heart is beating so loud. Hindi ko alam kung dahil sa gulat o dahil sobrang excited ko na makitang muli ang kapatid ko.
"Yes, you heard it right. Uuwi ang ate mo mamaya. Her fansigning and also the meet and greet event will happen this weekend."
Fansigning for her new international edition magazine issue. Confirmed na iyon ngayon at nagkakagulo na rin ang mga fans niya dito sa pilipinas. I know that because even if I am not active on my social media accounts, I've been receiving a much larger number of gifts recently. At alam kong dahil iyon sa kapatid ko.
"Y-you didn't tell me..."
"Hindi kasi sigurado kung papayagan siya umuwi ng ganito kaaga kaya hindi namin sinabi dahil hindi pa naman sure," paliwanag ni daddy. "Oh, sige na, at may gagawin ka pa, 'di ba? Dito ka mag-dinner mamaya para sabay-sabay tayo."
I bit my lower lip, trying to suppress myself from jumping like a kid in front of my parents. Nagpaalam na ako kaagad at pagdating sa sasakyan ay impit na napatili.
I should buy her favorite foods later, I missed my sister a lot.
I hummed all the way from the gate to the faculty office. Nagulat ako nang makasalubong si Gino na mukhang patungo rin sa opisina ni Ma'am Garcia. I raised a brow as a way of asking him on what is he doing here.
"To ask funds."
"Huh?" This guy is really weird.
Hindi niya na ako pinansin at kumatok na sa pintuan. After three knocks, he opened the door. Ni hindi niya ako pinaunang makapasok at dumiretso na agad sa loob. What a weird guy, halos masaraduhan na ako ng pinto kaya agad akong pumasok.
I'm right. Our professor is already here. Maaga pa pero alam ko rin na maaga siyang pumapasok.
"Good morning, Ma'am," he greeted.
Bumati rin ako bago kami naupo sa harapan ng table niya.
"Good morning, too. What is this meeting all about?"
Nagkatinginan kami. Sinenyasan ko siya na mauna na sa sasabihin niya. Curious din kasi ako dahil hindi niya naman pinaliwanag sa akin ang pakay niya rito.
"Ang sabi niyo po ay magbibigay ang school ng funds para sa proyektong ito. Can we request funds as soon as possible, then?"
"That's only possible if you'll tell us about your plan. May naisip na ba kayong gawin?"
"Yes."
Nagtaas ako ng kamay kaya napatingin silang dalawa sa akin. "Actually, I have the same concern with Gino, Ma'am, but I was about to ask if I can use my own money for the development of the project? But then I also realized that it might not be possible because you told us not to use personal money for this project."
Tumango-tango siya at ngumiti ng kaunti, mukhang tinitimbang niya rin ang mga pwedeng gawin. Hindi rin naman kasi kami makakapag-raise ng fund kapag walang mga ganitong pakulo. We can't just do a project, especially something like this, without a fund.
"Ano ba ang eksaktong plano niyo para rito? Wait, are you guys even planning for this together? You both looked so distant with each other."
Napapikit ako. At talagang napansin niya pa iyon.
Ako na ang nagpaliwanag ng plano namin dahil baka hindi niya rin naman alam kung ano ba talaga ang balak ko.
"Coffee shop? I love the idea of you guys helping local sellers as well but..."
"Hindi kami gagastos ng malaki, Ma'am, promise. We will use scraps for designing the place and we will try to be as resourceful as we can. Kung ano lang ang ibibigay niyong pondo ay kami na ang bahala gumawa ng paraan."
Tumingin ito kay Gino na tahimik lang at malalim ang iniisip. I'm kind of nervous that he might not answer well if the prof asked him. Ayaw kong mapahiya, ano!
"And your thoughts about this, Mr. Sanderson?"
"I agree with her, Ma'am. We're still in the process of looking for suppliers near us though."
Sumingit ako kaagad. "Mayroon na po akong list ng possible partners. I'm waiting for their responses na lang."
Ma'am Garcia smiled. "I'm glad that you guys are really putting a lot of effort for this project."
Pinigilan ko ang sariling mapangiwi. Hindi naman kasi totoo iyon. Gino is merely joining the planning stage and I just recently started planning about it, too.
Sabay kaming lumabas ni Gino at pagkalabas ay hindi niya ako pinansin at dumiretso ng maglakad palayo. Isa pa itong lalaking ito, minsan gusto ko siyang makilala ng husto pero minsan nauubusan na rin ako ng pasensya.
I guess my patience won't pass the coldness in him. And it's actually annoying for some reason.
Hmph!