"What are you doing here again?" bungad ni Aira sa akin nang makita akong palapit sa table nila Gino. Nandoon na naman kasi siya at nanggugulo.
Inayos ko ang suot na denim jacket dahil malamig ang panahon ngayon bago lumapit ng tuluyan. Ibinaba ko ang bag sa upuan na katabi ni Gino. Justin and Alyanna are also here. Huh! My bestfriend is here, she didn't even texted me. Kanina ko pa siya hinahanap.
"Kakain?" sarkastiko kong sabi at hindi na siya pinansin. Inaantok ako dahil nagpuyat ako sa pag-aaral kagabi. Bakit ba kasi accountancy pa ang kinuha ko? Sometimes I wonder if I can really push it through until graduation.
"Ha! Ha! That's really funny, eh?" Humalukipkip siya at talagang sa akin na nakatingin. "Tama nga ang hinala ko sa'yo. Pa-cool ka lang kunwari pero flirt ka talaga!"
"Thanks."
Pinigilan kong matawa nang makita ang iritasyong bumalandra sa mukha niya. Nagbuga ito ng hininga at impit na napasigaw sa inis. Come on, I'm not in the mood for a row with her.
Kinuha niya ang bag at naglakad palayo. Attention-seeker indeed. Nakipag-high five si Alyanna at humihikab na tinanggap ko iyon. Pipikit-pikit ang mata na humarap ako kay Gino. Inilabas ko ang listahan ng mga suppliers na nag-reply. Ang nilagay ko na lang doon ay ang mga sariling pili ko. Those a bit cheaper and also with a great quality.
"List ng mga suppliers. Coffee grounds, bakery shop, chocolates, and furnitures that we'll use and as well as to promote. Naglagay na rin ako ng mga juice in a bottle, mga health supplements. Other than that ay wala na. I computed the expenses and pasok naman sa fund. As for the design of the shop, ako na ang gagawa no'n."
Kinuha niya ang papel at tumango. Inilagay ko na rin doon ang number at addresses ng mga suppliers.
Iyon ang ginawa ko kaninang vacant time namin since absent yung prof ng second period. As for the fund, nasabi naman ni Ma'am Garcia kung magkano ang possible na ibigay ng school for us.
"Work for the shop and I'll buy the products needed."
"Great!" Humarap ako kay Alyanna at bahagyang nagulat nang makitang nagtatawanan sila ni Justin. Kailan pa sila naging ganyan ka-close?
Nawala ang ngiti sa labi niya nang makita akong nakatingin. "B-bakit? Uhm..." she stood up. "Ako na ang bibili ng pagkain natin. Anong order mo?"
Pinaningkitan ko siya ng mata. May ideya na ako sa nangyayari pero hindi ko maintindihan kung bakit hindi siya nagsasabi. She bit her lower lip and looked away guiltily. Tumayo si Justin.
"Samahan ko na siya..."
"Wow," bulong ko sa hindi makapaniwalang ekspresyon.
Just what the heck is happening around me?
Ni hindi niya hinintay ang sagot ko sa kung ano ang order. Sinundan ko sila ng tingin. Is Justin...
Siya ba ang suitor na sinasabi ni Alyanna? Kaya ba siya nandito kanina?
"They're dating."
Gulat kong hinarap si Gino. His eyes are on his phone. Sa isang kamay ay hawak niya ang listahan, I think he started contacting the suppliers.
"Alam mo?" Gusto kong mainis kung sakali mang alam niya. Paanong alam niya at ako hindi? Don't tell me mas ma-chika pa si Justin kaysa kay Alyanna?
Or did Alyanna purposely hide it from me?
Hindi siya sumagot, para bang walang narinig. Hindi na rin ako umasa na makakasagap ako ng impormasyon sa kanya. Umayos ako ng upo at nangalumbaba sa mesa. I yawned once again. Gusto ko na talagang matulog. Kung sana lang ay hindi importante ang subject ngayong hapon ay mas pipiliin kong um-absent na lang.
Pasimple kong pinanood si Gino sa ginagawa niya. He's wearing a different watch from last time. Ilan kaya ang relo niya? And to think that it's a rolex again.
Umayos na agad ako nang dumating sila Alyanna. Ibinaba nila ang tray sa mesa at medyo natuwa ako nang makita ang usual na order ko. I'm glad she remembered although she forgot to tell me about an important matter.
Pilit ang ngiti na ipinakita niya nang magsalubong ang mga mata namin. I raised a brow at her, asking for an explanation. She mouthed, "later".
Pagdating ng uwian ay dumiretso ako sa Mall at bumili ng cake. My sister is going home today and I want to buy a chocolate cake for her. Paborito niya iyon pero dahil na rin sa busy ang schedule at nakakataba ang chocolate ay bihira siyang makakain nun.
Palabas na ako ng Mall nang may makitang pamilyar na mukha sa loob ng isang toy store. Kumunot ang noo ko. Imposible, what is he doing there? Balak niya ba na magtinda ng laruan sa shop? I don't think so. Mall ito, mahal ang mga tinda nila. Saka laruan? Of all things?
Nanlaki ang dalawang mata ko at agad nagtago nang humarap ito sa gawi ko. Dumiretso siya sa cashier at may biniling laruan. Hindi ko makita kung ano. May kapatid ba siya? I've never heard it before.
Teka...
Bakit ba ako nagtatago? Eh, ano naman kung makita niya ako? It's not as if I'm doing something bad in here.
Shit!
Tumakbo ako palabas nang makita siyang palabas na ng store na iyon. Hinihingal akong huminto sa tapat ng sasakyan ko. Damn. That was close.
Halos lumuwa ang mata ko nang maalala na cake ang dala ko. Agad akong pumasok sa loob ng sasakyan at binuksan ang box. Please, sana hindi siya nasira.
Saka lang ako nakahinga nang maluwag nang makita na ayos lang naman iyon. Napahawak ako sa dibdib ko, my heart is beating loud and fast. Ang bilis ba naman ng takbo ko. I wonder kung napagkamalan ako ng guard na nagnakaw or something kaya ako tumatakbo.
Nevermind. Ang mahalaga ay makikita ko ang kapatid ko ngayon.
Nakarinig ako ng nagtatawanan pagpasok ko ng bahay. Kumabog ang dibdib ko sa kakaibang excitement at kaba na lumulukob sa sistema ko.
There she was, sitting in front of my parents, wearing a beautiful white silk dress, her hair is in wavy brown that complements her skin so well.
Kassandra Guerrero...
"Akala ko ba dinner? Maaga pa, ah?"
Sabay-sabay silang lumingon sa gawi ko. The twinkle in my sister's eyes gave me another level of happiness. Tumayo siya at patakbong yumakap sa akin.
"I missed you, sis."
Yumakap ako pabalik sa kanya.
"Miss daw pero bihira magparamdam." Ngumuso ako nang magharap kami.
She chuckled. Sabay kaming bumalik sa mesa kung saan naroon sila mommy. Nakatingin sila pareho sa amin.
"Pupunta ka ba sa event ng ate mo sa sabado?" Mom asked.
"Y--" natigilan ako sa akmang pag-oo. Sabado nga pala iyon, hindi ako makakapunta. Tumingin ako sa kapatid ko, she looks so hopeful. I badly wanted to attend, too.
Umakbay siya sa akin. "Of course, Cheska will be there, mom," she answered in my behalf.
Nagpakawala ako ng pilit na tawa. "O-ofcourse I'll be there."
Patay! Paano ako pupunta roon, eh, may kailangan nga akong attend-an? Sabihan ko na lang kaya si Gino? O baka naman pwede mag-excuse? Isang beses lang naman.
"So, until Sunday ka rito?" tanong ko habang tinutulungan siya mag-ayos ng mga gamit niya. May sariling kwarto si ate rito, napapanatili namang malinis, wala rin naman kasing laman.
She rarely goes home. Madalas ay kami ang nagpupunta ng abroad para lang makita siya.
"Hmm, probably. O baka didiretso agad ako ng saturday night? Hindi ko sigurado kung ano ang flight schedule ko after." May tinuro siya sa gilid ko. "Hand me those paperbags."
Kinuha ko naman iyon at iniabot sa kanya. Three designer brands. Halos lahat yata ng paborito kong mga brands ay konektado siya, either isa siya sa mga influencer or isa siya sa mga nabibigyan o nareregaluhan ng mga products to promote the item on her social media accounts.
"Bakit nag-uwi ka pa ng mga ganyan? Siya pang dala-dala mo sa byahe," sita ko.
"Para sa'yo itong mga ito. Look..." Siya na ang nagbukas ng mga iyon.
Inaamin ko naman na mahilig din ako sa mga luxury brands pero hindi rin naman ako sobrang magastos. Most of my things are gifts given by my parents, grandparents, friends, and by my sister. Pabango lang yata ang madalas kong bilhin sa sarili ko dahil may koleksyon ako no'n at mahilig ako magpabango ng iba't ibang klaseng amoy sa iba't ibang event ng buhay ko.
Although I only use one perfume in school.
"New product nila ito, next month pa ang labas," aniya. "Look! Bagay sa'yo yung shades."
Dior make-ups.
Chanel shades.
And a beautiful pumps from an italian brand.
"Let's try it," sabi ko at hinila siya sa may vanity area ng kwarto niya.
Inilagay ko ang lipstick sa bibig at hindi siya nagkakamali, bagay nga sa akin iyon. I think the color is in nude pink, very natural lang din pero may dating. Plus it's soft sa lips, feels like I'm wearing a balm.
"Picture-an kita..."
Sa kwarto niya ako natulog ng gabing iyon. Nanood kami ng movie at nagkwentuhan hanggang makatulog. That's what you get when you have a sister, no matter how annoyed we are at each other at times, we'll stick together and no one can pull us apart.
Sumandal ako sa sandalan ng driver's seat habang pinapanood ang bestfriend ko kasama ang bestfriend ni Gino na nagtatawanan, magka-holding hands na papasok ng school. Ang bag ni Alyanna ay nakasukbit sa kasama niya.
What a sight.
I took a photo of them and immediately sent it to Alyanna.
To: Alyanna
Remind me not to say anything about my love life, too, to you. Good morning :)
Mula sa pwesto ko ay nakita ko ang pagkuha niya ng cellphone at tiningnan ang pumasok na mensahe. Luminga-linga ito sa paligid at mukhang napansin ang sasakyan ko. May binulong siya kay Justin bago patakbong lumapit sa gawi ko.
She knocked on the window of my car.
Ibinaba ko iyon at seryoso siyang tiningnan. I'm not mad, I just want to tease her, but I am a bit pissed that she dare not to say anything to me.
"Ipapaliwanag ko lahat..."
Umirap ako saka sinenyasan siyang pumasok sa loob ng sasakyan na agad niya namang ginawa. Maaga pa naman kaya ayos lang na magkwentuhan muna.
"Hindi ko na nasabi sa'yo kasi nga super busy mo at hindi rin ako nagkaroon ng chance dahil---"
"So, kayo na nga?"
Kinagat niya ang ibabang labi at dahan-dahang tumango. That's why she's blooming lately.
"Mabait si Justin, promise. I'm sure magiging close din kayo."
I nodded. Alam ko naman iyon, napansin ko naman iyon. Justin, despite the fact that he's talkative and too friendly, is kind and nice. Iyon talaga ang impresyon ko sa kanya maski noon. Isa pa, wala naman akong naririnig na kung ano-ano against sa kanya.
"As long as you're happy."
Hindi na kami nagkaroon ng pagkakataon na makapag-usap ni Justin nung umaga dahil pumasok na ako agad at may klase rin ito.
After my morning class, balak ko sana na dumiretso sa cafeteria para bumili ng pagkain at magtungo sa dati kong pwesto, sa likod ng building namin. It's been a week since I last ate in there.
Napurnada nga lang ang plano nang humarang si Aira. May mga kasama ito, or should I say, may mga alalay. What a war freak.
Dapat dito nirereport sa mga magulang niya o kaya sa dean. She's too much of a drama and bad vibes.
Hindi ko siya pinansin at umambang lalagpasan siya. Hinigit niya ang kamay ko at tiningnan ng masama.
"What the fvck," I cursed.
Inikot ko ang dila sa loob ng bibig habang nagtitimpi sa kaharap ko. Hindi ko alam kung ano ang trip niya sa buhay o wala lang talaga siyang magawa kaya ganito ang ginagawa niya.
"Totoo ba?" Padarag kong hinila ang kamay sa kanya. "Is it true that you're already in a relationship with Gino?"
Napanganga ako sa tinuran niya. At ngayon, jowa ko naman? Agad? Like, seriously? Ni hindi nga ako kinakausap ng lalaking iyon ng matino. Ano, mag-bo-boyfriend ako ng pader?
"Yes..." Halos lumuwa ang mata niya. "Or no, ano naman ang pakielam mo? Gino is not yours to begin with, Aira. Stop playing the desperate girl act--"
Slap! Yes, she slapped me. Inaasahan ko na iyon kaya natawa na lang ako. Dumadami na ang mga tao, alam kong nakita nila ang ginawa ni Aira sa akin. Tinulak niya pa ako, yes, she's that stupid.
"What's going on here?"
Ang yabang niya kapag walang prof sa paligid. Feeling niya lahat kami ay matatakot dahil lawyers ang parents niya. But why can I sense the fear in her face?
"I... I was helping Cheska to get up." Iniabot niya ang kamay sa akin pero sa halip na tanggapin ay tinapik ko iyon palayo. Pinanlakihan niya ako ng mata.
As if naman takot ako sa kanya.
Tumayo ako at pinagpag ang suot na pambaba. Nope, hindi ako lampa, naka-heels kasi ako at na-out of balance ng itulak niya.
"She slapped and pushed me because of Gino Sanderson, Ma'am."