Ten

2216 Words
I felt guilty. Fine. Bakit ba kasi dinamay ko pa siya rito? Well, totoo naman na siya ang dahilan kaya ako sinaktan ni Aira pero alam ko rin na hindi tama na nadamay pa siya rito. Yup, we're in the faculty, waiting for Aira's parents. Buti na lang hindi pinatawag sila mommy. Wala naman akong kasalanan dito, dapat lang din na maturuan ng leksyon 'yang Aira na iyan. Katabi ko si Gino pero hindi ako makatingin sa gawi niya. Paniguradong naiinis ito dahil sa ginawa ko. His playing with his fingers and looking down on it. Si Aira ay malayo sa gawi namin pero kasama rin namin siya rito. May dalawang teacher na kasama namin at yung guidance counselor. "Sorry," bulong ko na hindi ko alam kung narinig niya ba. "She slapped you?" Nagulat ako na alam niya ang bagay na iyon. I guess he's also confuse of what's going on. "Dahil sa akin?" Mas lalo akong na-guilty dahil parang ang dating ay siya ang sinisisi ko. Pareho kaming biktima rito, kung tutuusin ay mas biktima pa nga siya dahil maski sa away namin na hindi naman siya dapat kasama ay naidawit ang pangalan niya. Sa halip tuloy na nasa klase kaming dalawa at nag-aaral ay nandito kami at nagsasayang ng oras. "I didn't mean to mention you. Sorry..." "So, dahil nga sa akin?" I bit my lower lip. Magtigil ka na at 'wag ng sumagot pa Francheska. Ayaw ko rin na makarating ang g**o na ito sa pamilya ko, lalo na at baka makarating pa ang balita sa grandparents ko. They won't let this pass for sure. At lagot si Aira kung mangyari iyon. Her parents may be lawyers but my family can get the most powerful lawyer to sue her for this. At ayaw ko na na kung saan-saan pa umabot ang away na ito. Napatingin kaming lahat sa pintuan nang bumukas ito at iniluwa ang isang babae at isang lalaki na kapwa naka-formal attire. The gorgeous woman is wearing an eyeglasses. Lumingon siya sa gawi namin at hinanap ng mata kung nasaan ang anak. "Mr. and Mrs. Sarmiento..." I know its them. Pinaupo sila at pinagharap-harap kaming lahat. Sinabi nung guidance counselor ang nangyari ayon sa statement naming lahat at ng mga naroon kanina. Seryoso ang mukha ng mag-asawa. Pagsasabihan kaya nila ang anak o ako ang palalabasin na may kasalanan. "And this guy over here...?" Mrs Sarmiento curiously asked while looking at Gino. Seryoso at blanko lang ang mukha ni Gino na tila bored na bored sa nangyayari. "Base sa sinabi ni Miss Gutierrez ay si Mr. Sanderson daw ang rason kaya nagawa ni Aira iyon sa kanya. At ayon sa mga ibang estudyante ay matagal na raw na kinukulit nitong si Aira si Gino." "Nonsense!" Napaigtad ako nang marinig ang boses ng ama ni Aira. I can sense that she's scared, too. Nakakatakot naman talaga ang tatay niya, bukod sa nakaka-intimidate ay malakas pa ang boses. "I'm sorry but I don't think my daughter will go this far for a man--" "Unfortunately, she did." Nanlaki ang dalawang mata ko at siniko si Gino upang senyasan na manahimik na lang. Bakit ba sumasabat pa siya? "Excuse me?" The woman glared at Gino. She's obviously pissed off. "Mom," pigil ni Aira sa mommy niya. "At hindi lang iyon ang isyu ng anak niyo, Mrs. Sarmiento, marami rin kaming naririnig na nam-bu-bully raw ito ng mga kapwa niya estudyante." "Resulting to violence, too." Napanganga ako ng tuluyan nang sumabat na naman ang katabi ko. Gusto niya ba talaga ng g**o? Baka sa halip na si Aira ang mapagsabihan ay siya pa ang ma-kick out. Is he really thinking? Makapangyarihang pamilya ang kinakalaban niya. Nanatili siyang kalmado at isa pa iyon sa kinakatakot ko. "I don't think my daughter will go after this kind of man. Walang modo!" Napapikit na lang ako dahil alam kong g**o na ang kasunod nito. "Sinampal at tinulak ng anak niyo si Francheska," I think it's the first time I heard him say my name. "She goes after me a lot of times, trying to be so close to me, making me uncomfortable by sitting on the same spot in the cafeteria, waiting in the parking lot beside my car, handing me different kinds of gifts, and harassing everyone who tries to go after me." Hinawakan ko na ang kamay niya para tumigil na siya. But he removed my hand and stood up. "Mr. Sanderson," mahinahong tawag ng guidance counselor. "Please sit down." "Give me one reason as to why should I stay, Ma'am, and I will." Natikom ang bibig ng counselor at maski ng mga kasama naming teacher. Wala naman kasi talagang kasalanan si Gino at mas lalong wala rin namang mali sa mga sinabi niya. Puro katotohanan naman lahat ng iyon. "Then you should stay for your friend, at least." Sumagot si Gino nang hindi tumitingin sa akin. "She's hurt. Mas maganda rin siguro na umuwi na rin siya para makapagpahinga dahil wala rin naman po siyang kasalanan dito. We shouldn't be held accountable for something we haven't done." Napatingin ako sa mesa. Alam ko na tutok na ang paningin nila sa akin. "How sure are you that that lady didn't provoke my daughter? May ebidensya ba kayo?" She's a lawyer, indeed. "A large number of witnesses, will that be enough, Ma'am?" Gino is really something. Paano niya nagagawang maging kalmado sa harap ng mga ganitong klase ng tao? Bagaman alam kong kayang-kaya naman nila mommy na gawan ng paraan itong sitwasyon ko kung sakali man ay hindi ko pa rin kaya na magsabi ng saloobin ko sa harap nila. Some people says I'm cool because I choose to be calm. But there are just two reason why I am like this. One is because I literally do not care especially if it has nothing to do with me. And second is that I am scared I might ruin my name knowing that I'm holding my family's reputation, too. Kaya pinipili ko na lang na 'wag na lang makisali sa g**o ng iba. "Sigurado ka ba na hindi na natin kakausapin ang parents mo, hija?" Umiling ako. "Hindi naman na po siguro mauulit pa ito." "We'll make sure of that." Tumango siya kay Gino. "Go home, you two, and have a rest. We're sorry for dragging you into this." Walang sabi-sabi na naglakad palabas ng guidance office si Gino. Napatayo tuloy ako ng wala sa oras at sumunod sa kanya. Hindi ko na narinig kung ano ang pinag-uusapan nila at wala na rin akong pakielam doon. Sinundan ko siya hanggang sa labas. Aaminin ko na natutuwa ako na ipinagtanggol niya ako roon kanina, he might did it in the coldest way possible, he still stood up for me. Ngayon sigurado na ako, na kahit gaano ako naiinis sa kanya minsan, na kahit sobrang cold niya at sobrang walang pakielam sa paligid, alam ko na mabuti siyang tao. He's a gentleman despite of being called rude since he's really cold and snob. Ngayon alam ko na kung bakit may isang Justin na nag-stay sa tabi niya kahit hindi siya friendly na tao. Ako nga hindi niya tinuturing na kaibigan ay nagagawa niyang ipagtanggol, paano pa kaya yung kaibigan niya talaga 'di ba? "Gino!" tawag ko nang malapit na kami sa gate. Huminto siya at napahinto rin ako. Lumingon siya sa akin, kunot ang noo, mukha lang masungit pero mabait iyan. He can't change my mind about him. Kahit ano pa mang maskara ang isuot niya ay lalabas at lalabas pa rin ang totoo, he's not the kind of person I thought he was, the people thought he was. "Shouldn't you go straight to the clinic?" masungit na tanong niya. He tilted his head, looking at the side of my cheek where Aira slapped. "Hindi na. Hindi naman masyadong masakit." "Tss." Tumalikod siyang muli at nagsimulang maglakad. Tumakbo ako upang mapantayan ang lakad niya. Hindi naman niya ako pinansin. "Meryenda tayo, treat ko." Hindi siya sumagot. "Sige na, maaga pa naman. Hindi naman na tayo a-attend ng class dahil--" "Ang sabi rest, hindi magmeryenda sa labas." Ngumuso ako. Lagi talaga siyang may naisasagot. "Well, pwede naman tayo mag-meeting habang nagmemeryenda. We should talk about our project--" He snapped his fingers. "Good idea. Simulan mo na ang pagsasaayos ng shop at imi-meet ko ang mga suppliers." "What? So, paano kita ililibre ng meryenda?" "I'm not hungry." "Eh, gusto ko nga." Humarang ako sa daanan niya at ngumiti. Seryoso ang mukha nito, hindi man lang mabiro kahit kaunti. Dumaan siya sa gilid ko at nilagpasan ako. Huh! Bakit ba in-expect ko pa na papatulan niya ang imbitasyon ko. What a cold-hearted guy. Akmang bubuksan na niya ang pinto ng sasakyan nang hawakan ko ang kamay niya. Napapaso ko naman agad na binitawan iyon nang padalhan niya ako ng matatalim na titig. Sabi ko nga hindi dapat siya hinahawakan, eh. Humalukipkip ako at sumandal sa sasakyan niya. Tumikhim at tinanggal ang tingin sa kanya. My, my, that's kinda embarassing huh. "Paano pala yung rent doon?" Iyon naman talaga ang balak ko tanungin, kung makatingin siya ay parang sinasayang ko lang ang oras niya. "Magkano raw ang babayaran?" "Ako na ang bahala roon," anito at tuluyang binuksan ang pintuan. Bago niya isara ay muli siyang tumingin sa gawi ko, nakataas ang kilay. "Sigurado ka bang sasandal ka lang diyan?" "Oh..." Tumayo ako ng tuwid at lumayo ng kaunti sa sasakyan niya. Malakas niyang isinara ang pinto at pinaandar ang engine ng sasakyan. In less than a minute, he run the car until I couldn't see him anymore. Katulad ng sinabi niya ay dumiretso ako sa may future shop namin. Kinuhanan ko iyon ng larawan, bawat parte at sulok, kinuhanan ng measurements, at kinunan din ng larawan ang floor at ceiling. Pagkatapos ay umuwi agad ako sa bahay para i-send ito sa kakilala nila mommy na interior designer. Hindi naman kailangan na major design ang gagawin, isa pa, alam ko naman na for free niya lang ito ibibigay. The same person I run to when I wanted to redesign my room. "Ang aga mo, ah?" Dire-diretsong pumasok si ate sa kwarto na hindi man lang kumakatok, medyo nagulat ako pero kalaunan ay hinayaan na lang din. She used to do that before, hindi na lang din siguro ako sanay dahil bihira na lang naman siyang umuwi rito. Isinara niya ang pinto at naglakad patungo sa kama. "Pinauwi ako ng maaga," sagot ko. "Bakit daw?" Umupo siya sa tapat ko. Nakasandal ang likod ko sa headboard ng kama habang hawak ang cellphone. "Promise me first na hindi mo sasabihin kila mommy." Exaggerated niyang inilagay ang dalawang palad sa kanyang bibig. Ngumiwi ako. Sometimes I love her here but sometimes it's better to be alone. "Ano'ng kasalanan mo? Are you... Omg, don't tell me you're pregnant?" Inirapan ko siya. Saan ba aabot ang ka-OA-yan ng isipan nito? "Nevermind." "So, ano nga? Hindi ka buntis? Eh, ano ang nangyari kung ganoon? Na-perfect mo yung test? Naka-recite ka tapos ang price hindi ka na papasok sa other class? O may ginawa kang kalokohan? Well, I doubt that. Hindi ka naman warfreak or something, mas madalas pa nga na hindi ka naman aware sa nangyayari sa paligid mo." "Gosh, ang daldal mo." "Because you won't say anything," maarteng sambit niya. "So, tell me, what have you done?" "Only if you assure me you won't tell mom nor dad." "Okay, okay. I won't tell them." Tinaas ko ang kanang kilay. "Promise!" Bumuntong-hininga ako saka ibinaba ang cellphone sa bedside table. Kinuha ko ang isa kong unan at niyakap. Diretso lang ang tingin sa akin ng kapatid ko, nag-aabang sa mga sasabihin. "Someone slapped and pushed me in front of the crowd." Bumuka ang bibig niya. Nawala ang mga kaninang reaksyon sa mukha niya. "What the...?" I chuckled. "She's the school's notorious mean girl. Daughter of two lawyers, rich, and also pretty. Sa department namin siya, by the way." "Kahit anak pa iyan ng presidente, ano'ng karapatan niya na saktan ka? We should take an action to this---" Hinawakan ko ang kamay niya nang tumayo siya at umambang lalabas ng kwarto. See? That's the reason kaya pinag-promise ko siya na 'wag sasabihin kila mommy. I don't want them to make a big deal out of this. Napaka-nonsense ng rason ni Aira at hindi na kami bata para idamay pa ang mga magulang sa g**o. Hindi ko siya pinatulan for a reason. "You promised not to tell them, right?" Nagbaba siya ng tingin sa akin. Kitang-kita ko pa rin ang inis sa kanyang mukha. There's a tear forming in her eye. "Ano? Hahayaan mo na lang na ganoon?" "You promised, ate." Pumikit siya nang mariin, tila ba kinokontrol ang sariling emosyon. Muli siyang huminga nang malalim bago dumilat at diniretso ang tingin sa akin. Umupo siyang muli sa kaninang pwesto. "Tell me the reason, then. Why would that b***h slap and push you?" Umirap siya sa kawalan. "My goodness, Cheska, you should stop being so understanding and kind to people like that!" Umiling ako agad sa sinabi niya. "I'm not being understanding or kind, ate, let alone to be nice to her. Ayaw ko lang talaga ng g**o, ayaw kong madawit pa ang pangalan natin sa mga ganitong wala namang katuturan na bagay."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD