Eleven

2110 Words
"Dahil sa lalaki? Oh my gosh, you really have to tell me everything in detail." Napairap ako sa lakas ng bunganga niya. Bakit ko pa ba kasi sinabi na dahil sa lalaki kaya ako sinampal at tinulak ni Aira? Hindi nga malalaman ng parents ko dahil wala sila rito pero mukhang malalaman ng mga kapitbahay. "May gusto siya roon sa partner ko sa project. That's it. Stop looking at me like I did something interesting, ate." "Oh," makulit na ngiti ang inilabas niya at napatampal na lang ako sa noo. Ngayon pa lang ay nagsisisi na ako na sinabi ko pa sa kanya. "So, tell me about this guy..." "Wala akong gusto sa kanya. We're not each other's types. Isa pa, medyo weirdo ang isang iyon." Nagtaas siya ng kilay habang sumisilay ang ngiti sa labi. "Bakit tinanong ko ba kung may gusto ka? Napaka-defensive mo naman. So, sino nga itong guy?" I rolled my eyes. Pumadausdos ako sa kama at saka humiga patagilid at nakatalikod sa kanya. Kinuha ko ang unan at itinakip sa mukha ko. Bahala siya riyan. "I want to rest." "Describe him or I'll let our parents know what happened today." Napaupo ako bigla at tiningnan siya ng masama. I cannot believe she's really blackmailing me right now. Malisyosang-malisyosa ang ngiti na ipinapakita niya. Fine! I'd tell her about him. Hindi niya rin naman kilala. "Accountancy student. Batchmate ko. Honestly, bukod sa snob siya at cold ay wala naman na ako masyadong alam sa kanya." "Something positive?" She just won't stop. Ugh! "He's cool." "Cool in a way that...?" Iniwas ko ang tingin sa kanya bago sinagot ang bagay na iyon. "Ipinagtanggol niya ako kanina sa harap ng parents ni Aira. I do think he's also a sensible person. Hindi siya friendly pero mayroon naman siyang kaibigan na nag-i-stay sa tabi niya at sa tingin ko ay isa iyon na dahilan, he protects the people around him. And that's what makes him cool for me." "And he's name is...?" Pairap akong tumingin sa kanya. "Gino." "Gino?" Humalukipkip ako. "Bakit ba gusto mo malaman?" "Hind ko ba pwede malaman ang pangalan ng future bro-in-law ko?" "Gosh! You think too much, ate. Hindi ko nga type iyon at hindi rin ako type no'n. Isa pa, parang hindi naman iyon nagkaka-interes sa kahit na sinong babae. And another is that he's as cold as ice. Ayaw ko ng gano'n noh!" Humalakhak siya. "I can't wait to hear your voice over the phone saying you fell in love to that guy already." Ngumiwi ako at hindi na lang ginawang big deal ang sinabi niya. Why would I fell in love with him? Tss. Kahit na inamin ko na sa sarili ko na interesting ang buhay niya ay hindi naman ibig sabihin no'n ay may gusto na ako. Isa pa, hindi ko naman talaga mapapansin ang tao na iyon kung hindi dahil sa letter na binigay niya na ngayon ay hindi ko alam kung kanya ba talaga. Mukha naman kasing wala siyang alam sa bagay na iyon at ayaw ko na rin siyang tanungin pa. Friday after class ay nagpasama ako kay Alyanna sa mall para mamili ng mga materyales for decoration sa shop. Nasa akin na ang design from the interior designer. May lists na rin ako ng mga dapat bilhin, nai-order ko na ang iba kaya mga maliliit na supplies na lang ang bibilhin ko rito. Hindi ko nga lang inaasahan na may isasama siya. She gave me a sheepish smile. "Gusto ko lang opisyal na ipakilala sa'yo ang boyfriend ko," aniya nang mapansin ang pagkadismaya ko ng makita si Justin. Not that I don't wanna see him and it's not that I don't like him for my bestfriend, hindi ko lang inaasahan na magiging third wheel pala ako ngayong araw. "Hi, Cheska!" Justin greeted me in a very friendly way. I managed to give him a real smile, hindi nga lang malaki. "Hi!" Hinila ni Alyanna ang kamay ko. "So, ano'ng una nating bibilhin? Saan tayo una?" "NBS muna." "Okay!" She's so full of energy. "By the way, Ches, kailan ka mag-i-start na mag-decor? Tutulong kami ni Justin." "Talaga? Ayos lang ba?" I really need a help. Mula sa likod ay tumabi sa akin si Justin. Bale napapagitnaan na nila ako ngayon habang naglalakad patungo sa National Book Store. "Game ako diyan," Justin uttered. Hindi ko alam kung nagpapalakas lang siya sa akin bilang bestfriend ako ni Alyanna o talagang ganyan lang ang ugali niya. Well, it also makes sense. Kaibigan niya si Gino na siyang partner ko sa proyekto na ito. "Bukas ay maglilinis na ako at magdidikit na ng wallpaper. Sa linggo ay magde-design na rin at mag-i-install ng mga dapat ilagay. Iyon ang plano pero baka hindi rin pala ako makapunta bukas. Kailangan kasi namin magpakita ni Gino sa facility pagkatapos ay may fansigning si ate bukas, so..." I shrugged. "Pero kung maisisingit sa oras ay maglilinis ako." "Relax ka lang, Ches, kami na bahala maglinis. 'Di ba, love?" Nakita ko pa ang pagkindat nito kay Alyanna bago nakipag-apir. "Teka, fansigning ng ate mo? Kassandra? Siya iyon 'di ba?" I nodded. "Wow! Nice genes!" "Yeah, right." Pagpasok sa NBS ay tinulungan naman nila ako hanapin ang mga kailangan, which is yung mga nasa listahan na dala ko. Namili na rin kami ng mga ibang pwedeng isali sa disenyo ng shop na mura lang din dahil limitado ang pondo namin. Pagkalabas namin sa NBS ay nakita ko ang toy store kung saan ko nakitang bumibili si Gino ng laruan. Bumalik ang kuryosidad ko sa bagay na iyon. May kapatid ba siya? I want to ask his bestfriend pero medyo malayo sa topic ang usapan na iyon kaya kahit bumabagabag iyon sa isipan ko ay pinili ko na lang na manahimik. "Buti na lang at nagkaroon kayo ng ganitong partnership ni Gino, nadagdagan kahit papaano ang kaibigan niya," Justin said. Papunta na kami ngayon sa fastfood restaurant na wala masyadong tao. Kagagaling namin sa Miniso at namili ng ilang gamit. "I'm sorry but I choose my friends wisely," I repeated what he has said to me after I offered friendship. Rumagasa ang pait sa lalamunan ko at bahagyang uminit ang mukha nang maalala ang kahihiyan na iyon. "Iyan mismo ang sinabi niya sa akin nang subukan kong makipagkaibigan sa kanya. He's annoyingly cold and heartless." Kahapon nagbago na ang impresyon ko sa kanya. Dala lang siguro ng inis kaya ko lang nasabi na cold and heartless siya. I know now that Gino isn't heartless, after what he did in the guidance office, he can't change my mind now about him. Pero hindi ko pa rin gusto ang paraan niya ng pakikitungo sa mga nakapalagid sa kanya. I wonder, may dahilan kaya kaya siya ganoon? "Kaunting pasensya lang, Cheska, hindi naman kasing sama si Gino ng iniisip mo." "Bakit naman kasi ganyan makitungo 'yang kaibigan mo sa mga tao, eh," ani Alyanna sabay upo sa may upuan sa pwestong nahanap namin. Pero agad ding tumayo nang may makitang pamilyar na mukha. "Ako na oorder, guys, kakilala ko yung manager dito." Tinanong niya kung ano ang gusto namin bago tuluyang umalis. Naiwan ako kasama si Justin. "Cheska..." "Hmm?" "Masamang tao rin ba ang tingin mo kay Gino? Yes, rude nga ang tao na iyon, snob, cold, pero..." "Nakakainis siya pero alam kong hindi rin siya masamang tao." Tumango siya. "He's tough on the outside but he's not that strong, Ches. Wala ako sa lugar para sabihin kung ano ba talaga ang dahilan kaya siya ganoon, kung may rason ba o wala, pero naniniwala ako na kailangan niya ng kaibigan." "Hindi ba't magkaibigan kayo? One friend is already enough, Justin." "Well, then, a special friend, perhaps?" Umiling ako. Alam ko na agad kung ano ang tinutukoy niya at malabo iyon. "Gino is not as worse as people think. He's not as cold and heartless as you think. That guy is vulnerable on the inside, Cheska, kailangan mo lang talaga ng oras at pasensya. Oo, tama siya, he chooses his friends wisely, at hindi ibig sabihin no'n ay ayaw ka niyang maging kaibigan. He just needs time to know you more. He needs time to trust you. He needs time to open up to someone. Ako lang ang natirang kaibigan niya kaya naninibago rin iyon ngayon na may ibang tao siyang nakakasalamuha at madalas na makakasama." I hissed. "Do you really think I'd still try to befriend him after his rejection? Hindi noh!" "Gino's a good guy. Kailangan mo lang talaga siyang makilala ng husto. Give it a go, Ches, after this project, sabihin mo sa akin kung worth it ba siyang makilala o maging kaibigan. I'm more than hundred percent sure that you'll say yes." Humalukipkip ako at bahagyang napaisip. Tama nga kaya siya? Or he's just bluffing around to clean his friend's name? "I choose my friends wisely, too, Justin." "And choosing Gino as a friend is more than a wise decision, Cheska." Natigil kami nang may maglapag ng tray na may lamang mga pagkain sa pagitan namin ni Justin. Nagpasalamat si Alyanna sa waiter na nag-deliver bago umupo at inayos ang mga pagkain sa harap namin. Justin gave me a smile like he's telling me to give it a shot. Na kilalanin ko si Gino. But the thing is, hindi naman ganoon kalawak ang pasensya ko. Baka mag-away lang kami no'n madalas. Iyon pa rin ang laman ng isipan ko nang magkita kami kinabukasan. "Kuya Gino," a little girl who's recovering from cancer run to him. Binuhat ito ni Gino at doon ko na naman nakita ang ngiti na hindi niya inilalabas sa school. Is he really fond of kids? "Hello! Kumain ka na?" Maski ang boses at tono niya ay iba. Nanatili ako sa kinatatayuan at pinanood si Gino na makisama sa mga naroon, halos mga bata ang nasa garden at naglalaro. "Meryenda muna tayo, Cheska," tawag ng isang staff roon. "Napakabait ng batang iyan..." "Po?" Humarap ako sa kanya. Inginuso niya sa akin si Gino na nakikipagkwentuhan sa mga batang nandoon. "Si Gino?" Tumango siya. "Dalawa kayo, syempre. Hindi namin inaasahan na may mga estudyante na gagawa ng ganitong proyekto para sa mga pasyente. Magkaibigan ba kayo?" "Ahh..." Hindi ko alam kung ano ba ang dapat kong isagot. "S-sakto lang po." "Alam mo ba na noong nakaraan ay nagpadala iyan ng mga pagkain at mga laruan?" Nagulat ako at mukhang napansin niya. "Hindi niya nabanggit sa'yo?" Nagkamot ako ng batok, napapahiya kong binalik ang tingin sa gawi ni Gino. Did he really... "Mukha nga pong malapit ang loob niya sa mga bata," sambit ko. He's now laughing with the kids, reading them a nice book, and the kids are all looking at him. Tinuturing ko itong proyekto at bagay para matapos ang semester na ito ng maayos pero hindi kay Gino. He took it as if it's his own foundation. He treats the kids like they are his siblings. He treats everyone like he's responsible for them. Gino Sanderson.... Who are you, really? Napatakip ako ng tainga sa sobrang ingay ng paligid. Pahirapan akong makapasok sa backstage dahil siksikan at talagang nagtutulakan ang lahat. Madaming guards pero mas marami ang mga hyper na fans. "Hi, sis!" Lumapit ako sa gawi ni ate. Mine-make-up-an siya ngayon, retouch lang I think dahil lumabas na siya kanina. Nag-perform ito at ang susunod at ang meet and greet sa mga fans. Baha rin ng media sa labas, mga journalists na nag-uunahan sa pagkuha ng mga pictures at mga videos. "Damn. You're fans are wild," pagod na sabi ko. "Bibig mo," aniya at tiningnan ako ng masama. Her make up is on point. Kitang-kita ang glow up sa mukha niya pero hindi rin OA. "Mag-ready na raw po. In five minutes..." Binilisan nila ang pagkilos at ako ay nanonood lang sa gilid. I'm so tired. Nag-ayos ako sa shop kasama sina Alyanna at Justin at dumiretso ako agad dito, naiwan sila roon para ayusin ang mga ginamit namin. "Hindi ka lalabas?" tanong ni ate. "Nah! Sisilip siguro mamaya. I'll wait for you here na lang." "Let's take a picture first, then." Tinawag niya ang isa sa mga staff na nandoon. "Can you take a picture of us?" "Sure, Ma'am." Tumayo ako at nagtabi kaming dalawa. Mas matangkad ako kay ate ng kaunti pero naka-sneakers ako at naka-heels siya ngayon kaya mas matangkad siya. Sana lang hindi ako magmukhang haggard o alalay sa picture dahil pagod na pagod talaga ako ngayon. "Ma'am, labas na raw po." "Go na!" sabi ko. "Baka mamaya ay dito na sa backstage magkagulo ang mga fans mo." She chuckled. "Perks of having a model sister, Ches." "Duh!"
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD